37: Friella

402 18 1
                                    

Fri Salon

"What are we doing here?" I asked saltik when we stopped at a salon. Hindi ko na napansin na nasa tapat na pala kami ng isang salon dahil sa bagay na pumasok o mas tamang sabihin na nagpagulo sa isipan ko.

"Time for a change, denial queen."

Hinila nya ako papasok at napalingon sa amin ang lahat bg nasa loob. Nakangiti naman ang mga staff kay saltik na para bang natutuwa silang makita si saltik doon. Ano bang meron?

"Goodmorning Mam Fri!" Bati na naman sa kanya.

"Fri?" Hindi ko na napigilan na ibulalas dahilan para magawi ang tingin sa akin ng mga staff sa lakas ng boses ko.

Nilapitan naman ako ni saltik saka hinawakan sa kamay. "Hershey, I want you to trust me. This is my first way so I am introducing you to my world." Nilahad nya ang kamay nya sa akin. "I'm Friella Sada Zhen, the only daughter of the owner of this mall."

Sandali akong napatitig sa kanya. Friella? The name sounds familiar! Saan ko nga ba narinig ang pangalan na yun? In just a seconds, saka ko lang naalala kung saan ko narinig ang pangalan nya.

"Y-you're..a model.." I can't believed I am stuttering. I swallowed hard. Nakita ko ang pangalan nya sa balita noon sa tv. She's a model amd unfortunately..

"Yes." Tumango tango sya. Nginitian nya ako pero hindi naman umabot sa mga mata nya. "And I am sure you remember me because of the news." Malungkot na sabi nya. Napansin kong may luha din sa gilid ng mga mata nya kaya agad syang lumingon sa mga staff na nakatingin pa din sa aming dalawa.

"You know what you will do." Sabi nya sa mga ito na nagsitanguan.

Itinulak nya ako sa mga staff. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na nasa harapan ko ay si Friella. Sa tv ko lang sya nakita kaya naman hindi nakakapagtaka na hindi ko sya nakilala kaagad.

Umupo sya sa couch na naka-crossed legs. Inabot nya din ang magasin na nasa gilid saka nagbasa basa. Pinaupo naman ako nung staff sa harapan ng salamin, still didn't aware kung ano bang mangyayari o nangyayari sa mga sandaling 'to.

"Just steady lang, Mam okay? Matagal na kayong nakukwento sa amin ni Mam Fri pero ngayon lang nya kayo nadala dito." Mginitian ako ng staff bago tinanggal ang cap ko dahilan para lumaglag ang buhok ko. Nginitian nya ako sa salamin. "Tama po pala si Mam Fri, ang ganda nyo nga po."

Ngumiti na lang ako kahit pilit sa sinabi nya. Nakakapagtaka na wala akong nakakapang pagtutol kahit nag sink in na sa isip ko ang plano ni saltik.

"Time for a change, denial queen."

Geez. Masyadong cliche ang naisip nitong si saltik. Talagang dinala nya pa ako sa mall na pagmamay-ari nila para hindi ako makatakas para sa plano nyang i-make over ako.

***

"Excuse me? Who are you?"

I arched my brows to saltik na tinitigan ako mula ulo hanggang paa matapos nyang ibaba ang magasin na hawak nya ng maramdaman nya na nasa harapan ako at tapos na ang pag-aayos sa buhok ko.

"I want to wring your neck. Do you know that?" I said.

Napahalakhak naman sya sa sinabi ko. "Akala ko naman mababago ko ang klase ng pagsasalita mo." Napailing iling sya. "But looking at you, I knew I am wrong. Brutal ka pa din magsalita. Nakakatakot ha."

Ibinaba nya sa lalagyan ang magasin bago tumayo. Nginitian nya ang mga staff nya and mouthed 'Thank you' bago ako hinila papalabas.

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now