30: Define ♥

476 19 1
                                    

"So, who was the party Starians? Did you enjoy it?"

Nakatitig lang ako sa unahan kung saan andun yung magandang prof. Bakit kailangan pang itanong ang isang bagay na mahigit isang linggo na ang nakalilipas? Tch. Wala lang 'tong matanong pupusta ako.

"Yes we did!"

"The party was so cool!"

"The foods were awesome!"

"The place is huge."

Kinuha ko ang cellphone ko at hindi na lang sila pinansin. Makapaglaro na lang ng clash of clans kesa naman pakinggan ko ang kaartehan nila. Mabuti na lang abot hanggang dito sa loob ang wifi ng UOS.

"Naglalaro ka nyan?"

Sinulyapan ko si Hanz na nakasilip sa cellphone ko. Ang tagal namang magloading. Masyado sigurong madaming nakiki-wifi.

Tumango ako sa tanong nya. Ipinakita nya sa akin ang cellphone nya at napatitig ako dun.

"Pareho pala tayo."

Tinitigan ko ang base nya. Mukhang malakas na ah?

"Hindi naman yan nadadala ng kahanginan mo?" Hindi ko napigilang ibulalas na nagpasingkit sa mga mata nya.

"Mahangin ba ako?"

"Nagtatanong ka pa?"

"Kapag gwapo, talagang ganun."

"Mali ka."

Tiningnan nya ako. "Ha?"

"Kapag hindi gwapo, ganun talaga." Nakangising sabi ko sa knaya na ikinalaki ng butas ng ilong nya.

"Dollar Hershey!" He hissed.

Napatingin sa amin ang mga nag-uusap sa unahan kasama na ang prof.

"May problema ba, Mr. Villafuerte?" Nagpalipat lipat ang matang tanong sa amin nung prof.

Sumandal ako sa upuan at hindi sila pinansin. Nag focus na lang ako sa nilalaro ko. Umaatake kasi ako ngayon. Sayang naman ang pera na pwede kong ma-loot kung pakikinggan ko na lang sila sa daldalan nila na wala namang kwenta.

"Ahm. Yeah."

Sandali akong tumunghay at nakita kong ngiting ngiti na si Hanz. Pabago bago talaga ng mood ang isang 'to.

Napa-Yes ako ng mahina ng masira ko ang defense ng kalaban. Sumipol pa ako ng 100% ang kinalabasan. Dagdag gold, elixir at trophy din 'to. Ang swerte ko talaga. Ang galing kong maglaro. Malakas na din naman ang village ko pero ng makita ko ang kay hangin, parang mas malakas pa ang sa kanya. Tch. Alam kong ipagyayabang na naman nya yun.

"Anong problema?"

Hindi pa ba sila tapos sa pulong nila? Hanggang ngayon kasi nagpapapansin pa din 'tong si hangin. Alam ko namang maganda yung prof kaya tinatagalan nya. Ang mga lalaki talaga. Napailing ako ng wala sa oras.

"Totoo ba yun, Ms. Jackson?"

Napatingin ako sa prof. Tinawag nya ba ako? "Huh?"

Kumunot noo nyang tiningnan si Hanz. "Totoo ba ang sinasabi ni Mr. Villafuerte na hinalikan mo sya kaya sya napasigaw?"

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hinalikan?! Ko? Si? Hanz?!

Anak ng tinapa!

Binato ko ng notebook ko si Hanz na nagpipigil ng tawa. Ang kapal ng mukha! Nanlalaki ang mata ng mga kaklase namin sa sinabi nya.!

My Lesbian GirlfriendNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ