MyLesGi 6: Hi Babe!

787 36 2
                                    

Umibis ako ng kotse pagkadating ko sa mansyon. Wala naman akong ginagawa sa school kundi tumambay kung saan saan pero bakit pagod na pagod ako?

Nakaka stress ang araw na 'to lalo na yung nangyari kanina. Tsk. Sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi ni Hanzngin kanina!

Fiancee daw?! Damn! Fiancee his ass! Ni hindi nya nga ako kilala kahit sa pangalan eh!

"Bakit ngayon ka lang?"

Nakita ko ang isang babae na dahan dahang bumababa sa hagdan. She's still beautiful kahit medyo may mga kulay puti na ang buhok nya pero tinatago nya lang yun sa pamamagitan ng pagpapakulay ng buhok nya. She's wearing a white dress at kita pa din ang curves nya. Mababanaag din sa mukha nya ang katarayan nyang taglay. Mula sa mga alahas, kolorete sa mukha, brand ng damit at sapatos, halata na kung gaano kayaman ang pinagmulan nya.

She is Mariabella Santiago-Jackson.. My mom.

"As if you care?" Sagot ko sa kanya. Lalampasan ko na sana sya ng higitin nya ako sa braso at tiningnan ako na nanlilisik ang mga mata.

"I already warned you don't ever try wearing that kind of clothes again, Hershey!" She bursted out.

I smirked. Inis kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak nya. "Stop telling me that. Alam mo naman na hindi ako susunod kahit ano pang pagbabanta ang gagawin mo di ba? Stop telling me what to wear, what to do. In short, stop manipulating my life, witch."

Dire-diretso na akong umakyat papunta sa kwarto ko at ibinalibag ang pinto pagkapasok. I left her there dumbfounded.

Nilibot ko ang tingin ko sa malaking kwarto. Nagmukha akong prinsesa sa klase ng wallpaper na nakalagay sa dingding, sa klase ng mga kurtina sa bintana, sa klase ng laki at lapad ng kama na may kurtina din na parang sa mga royalty. Babaeng babae din ang kulay ng pintura, ng mga kagamitan dito.

Sumalampak ako ng upo sa kama ko. Wala akong pakialam kung gaano pa ito kalambot. Kung gaano pa ako kaswerte na mahimbing akong nakakatulog dahil sa lambot nito. Sa totoo lang, dalawang beses pa lang akong nahihiga sa kama na ito. Ewan ko kung bakit pero mas gusto ko o mas tamang sabihin na mas panatag ang loob ko kapag sa sahig ako natutulog at nilalatagan ko na lang ng comforter kasi malamig.

Madalas ko lang din na buksan ang aircon dito. Hindi ko feel kahit may karapatan naman ako na kahit magdamag iyong bukas o kahit pa siguro iwan ko syang bukas kapag umaalis ako tutal naman mayaman kami.. No.. scratched that, sila lang nga pala ang mayaman at hindi ako.

Naisip ko ang nangyari kanina. Sa tuwing dadating ako ng bahay, walang nagbabago. Palagi pa din kaming nag-aaway ni witch. I called her witch kasi witch naman talaga sya. Wala syang ibang pakialam kundi sarili nya. Wala syang pakialm kahit may masaktan o may matapakan syang tao basta ba ,akuha nya ang gusto nya. She never treat me her daughter. I never treat her my mom. Quits lang kami right?

I know I shouldn't acted like that since she is my mom pero hindi nyo ako masisisi. I lost my respect to her three years ago. She's not worth any respect kasi sarili nya, hindi nya kayang irespeto pati na din ang ibang tao.

Alam kong mayamaya lang ay darating na din si Dad at isusumbong na naman nya ang mga sinabi ko. Kakausapinako ni Dad pero lalabas lang yun sa kabilang tenga.

Fuck.

What I hate is that when someone acts as if he/she cared!

Napansin ko ang laptop ko na nakapatong sa side table. Wala na akong klase mamaya at mabobored na naman ako dito.

Hi babe!

Napataas ang kilay ko sa makita kong post ni Hanzngin. Kailan pa kami naging friends nito sa facebook? Naka-tag pa sa akin ang post ng mayaman sa hangin na yun.

My Lesbian GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora