44: Under the fucking rain!

397 19 1
                                    

Humakbang na ako palabas ng bar na pinuntahan ko. Nahihilo pa ako dahil sa iba't-ibang klase ng alak na ininom ko pero wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung anong ibinibigay sa akin ng bartender kapag gusto ko pa ulit ng isa tutal ang sabi ko naman ay kahit ano ng tanungin nya ako kung anong gusto kong inumin.

Malamig ang simoy ng hangin na tumama sa balat ko ng nasa labas na ako. Napatingala ako sa kalangitan at napansin kong masyadong madilim ngayon kahit alas sais pa lang. Mukhang bubuhos pa ang ulan ngayong gabi.

Pasuray-suray akong naglakad, walang direksyon. Kinapa ko ang cellphone ko ng tumunog yun. Sa nanlalabong paningin eh nakita ko ang pangalan ni saltik sa screen. Sa kanya pala galing ang mensahe.

Where are you?

Binuksan ko pa ang ilang message nya sa akin na hindi ko namalayan at dahil dun eh mapupuno na ang inbox ko dahil mukhang minuminuto eh nagpapadala sya ng message sa akin.

Kanina ka pa naming hinahanap! Asan ka ba?

Ano bang nangyari?

Bakit mo iniwan si Hanz?

Hershey! Damn! Answer your phone! Nag-aalala na kami dito!

Text or call me para alam ko kung nasaan ka.

Nag-aalala na sayo si Hanz!

Malungkot akong napangiti sa nabasa kong text nya. Sumandal muna ako sa isang sasakyan sa parking lot. I knew Hanz cared for me..a lot. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pumapasok sa isipan ko ngayon. Siguro dahil sa mga alak na nainom ko. Hindi ko akalain na dahil sa tama ng alak eh maaalala ko ang mga sinabi ni saltik sa akin noon.

Nangalumbaba ako sa bubong ng sasakyan na sinasandalan ko. Nahihilo pa din ako. Naalala kong iniwan ko na lang basta si Hanz sa mall kanina pagkatapos ng mga sinabi ni Matt. Hindi ko akalain na maaapektuhan ako ng ganito katindi ng dahil lang sa sinabi nya.

Nasaktan ako. Oo, aaminin ko nasaktan ako. Naalala kong habang sakay ako ng taxi eh naiiyak ako sa sakit. Hindi ko alam kung bakit ako umiyak basta ang alam ko, masakit sa akin ang mga salitang binitiwan nya. Hindi ko matanggap na ako ang sisira sa magandang imahe ni Hanz sa lahat ng tao na nakapaligid sa kanya na tinitingnan at sinusundan sya ng may paghanga sa mga mata kahit na saan sya magpunta.

I swallowed hard at pinigilan ang pagpatak ng luha na ramdam kong gusto na namang tumulo. I never cry this hard. Nakakatawang isipin na dahil lang sa issue kay Hanz at iiyak ako ng ganito - masasaktan ako ng ganito katindi.

Tumunog ulit ang cellphone ko at binasa ko ang message na alam kong galing kay saltik dahil sya lang naman ang nakakaalam ng number ko. Silang dalawa lang ni Hanz ang nasa phonebook ko pero aam ko na hindi alam ni Hanz ang number ko kahit nagkatext na kaming dalawa. Pinagtritripan ko pa sya noon at ngayon, nakakamiss pala ang ganoon. Hindi na ako nag-aabang na magtext sya dahil hindi nya naman alam na ako yun.

Itinuon ko ang mata ko sa message ni saltik na mukhang aburido na dahil hindi ako nagrereply sa kanya.

Ano ba Hershey? Asan ka na ba talaga??

My Lesbian GirlfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora