26: He won't take NO

533 22 2
                                    

"So? Akala ko ba pipilipitin mo ang leeg kapag nalaman mo kung sino ako?"

I didn't stop. Nakasunod pa din sya sa akin habang naglalakad ako sa kahabaan ng hallway. Malinaw pa ang mga mata ko kaya naman kitang kita ko ang mga matang palihim na sumusulyap sa aming dalawa.

Hindi ako nakaimik sa pasaring ni Hanz. Nasasanay na ata akong tawagin syang Hanz gayung hangin naman talaga ang dapat na itawag ko sa kanya.

Hindi na nya ako tinigilan pagkalabas ng room. Hanggang ngayon ewan ko kung bakit para akong baliw na nagmamadali sa paglalakad eh wala namang humahabol sa aking multo. Hangin na humahabol, baka pa.

"Hershey babe."

Hinarap ko sya saka itinama sa noo nya ang bnotebook na hawak ko. "Babe mo mukha mo!"

He gave me a grin habang nakahawak sa noo nya na medyo namula. "Hanz babe. Ang pangit namang pakinggan nung Hershey babe."

"Geez. Ewan ko nga sayo!" Singhal ko saka ako bumaba sa hagdan. Nagdiretso ako sa cafeteria at bigla silang nagbulungan ng makita kung sino ang nasa likuran ko. I want to roll my eyes pero inayos ko na lang ang cap ko.

"You shouldn't wear a cap." Mahinang sabi ni Hanz sa likuran ko.

"At bakit?"

"Mas maganda ka kapag wala iyan," napapakamot sa ulo na sabi nya saka nag-iwas ng tingin.

Napipilan naman ako at hindi sinasadya na napahawak sa cap ko. Bakit ba ako naaapektuhan ng ganito sa simpleng sinasabi ng lalaki na ito?

"Pakilunok nyang paki mo." Sabi ko na lang saka naglakad papunta sa bakanteng mesa. Hindi ko namamataan si saltik and I am wondering kung nasaan na naman ang babae na iyon.

He chukled. "That's your famous line."

Sinamaan ko sya ng tingin ng umupo sya sa katapat ko. "What?"

"Hindi ka pwedeng maupo dyan." Sabi ko sa kanya.

Tiningnan nya ang bawat sulok ng upuan. "Wala naman akong nakikitang nagmamay-ari ng upuan na ito kaya pwede akong maupo dito."

Umiling na lang ako saka nagisip kung ano bang oorderin ko. Nakita ko syang inilabas ang cellphone nya. Nanatili akong nakayuko at busy sa list na nakalagay sa table. Ganito pala ang cafeteria sa UOS, animo'y restaurant dahil parang menu na din ang nakalagay sa bawat table. Ang kaibahan lang, wala ditong waiter at ikaw mismo ang magoorder.

Napaangat ako ng tingin ng may marinig akong nag click.

"What the hell do you think you're doing?!"

Nilingon nya ako pagkatapos ng isang click pa. "Taking a picture with you, isn't it obvious?"

Tumayo ako. "Burahin mo yan!"

"I won't."

Aish! Bakit ba ang kulit ng lalaki na ito?! Wala syang permiso na kumuha ng litrato na kasama ako! This guy is really getting into my nerves!

"Hanz Villafuerte!" Warning tone ko sa kanya.

"Dollar Hershey Jackson." Cool na cool na sabi naman nya.

Aish! Kinuha ko ang tinidor na hindi ko alam kung bakit andito. "Erase that or else, tutusukin ko talaga yang mta mo!"

Napalingon na sa amin ang ilan sa lakas ng boses ko. Napangiwi naman si Hanz. Hindi siguro sya sanay sa ganito well, poor him dahil mukhang ako talaga ang magbibigay ng kahihiyan sa kanya.

"Ano ba kasing masama kung kasama ka sa picture? Because as I can see, wala naman eh." Pangangatwiran pa nya habang tinitingnan ang kuhang picture sa cellphone nya.

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now