MyLesGi 1: Who is she?

1.6K 62 20
                                    

Thanks for the cover. ;))))) Why so cute? :*

*****

Her POV

My God! Nakakainis! Ang sarap hampasin ng manibela! Inis na inis talaga ako. Bakit ba naman kasi hindi? Iba na naman yung school ko! Aish! What the fuck?

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti. Bago na naman kasi ang round cap ko at bagay na bagay siya sa akin. Nawala yung ngisi ko ng maalala na naman kung saan ako papunta ngayon.

Tiningnan ko ang msg sa cellphone ko para tingnan kung anong pangalan ng school na yun.. -_-

University of Stars.

Napatawa ako sa nabasa ko. Seriously? School ba yun?

Madami ba dun na mga bituin at dinaig pa ang kalawakan kaya University of Stars?

Ang dami-dami namang magagandang University na magaganda din ang pangalan pero ito pa ang napili ng mga magulang ko. Pathetic lang. Ako na si Dollar Hershey Jackson, may pathetic na mga magulang? Psh.

Ang nag-iisang anak ng Jackson Inc. Yan lang naman ang linya na palaging susunod kapag nalalaman nila kung sino ako. Pinakaayoko sa lahat ay yung isinusunod ako sa kung sino ang mga magulang ko at kung gaano SILA kayaman. Yea. SILA. Hindi naman ako ang naghirap sa pagpapalago sa business namin eh.

What the fuck again right?

And Yea. Dollar is my name. Amazing right? Pero drop that Hershey name because it sucks. Masyadong pa-girl eh hindi naman ako girl. Well, aaminin kong I am not totally girl and mas gugustuhin ko pa talagang magpakalalaki kesa magpakababae!

Yeah. Ano bang tawag kapag not totally girl? Lesbian? Is that right? So, yea. I am Lesbian. At yun ang dahilan kaya ipinatapon na naman ako ng mga magulang ko sa ibang school!

My parents is one of the most powerful persons in the country. Alam ko yun. Kaya nga everytime na may party sa bahay namin which is really what they call 'Mansion' kailangan, mahinhin ako, naka-dress, naka-heels, prim and proper, bawal humalakhak kasi my parents will be humiliated.

See? In short, THEY WANT TO CONTROL MY LIFE.

At yun ang pinaka ayaw ko sa lahat.

Ayaw din nilang malalaman ng iba na tomboy ako. Psh.

They only care for themselves.

Wala namang masama kapag tomboy di ba? Hindi ko din talaga feel na babae ako. 

I am wearing pants, t-shirt, supra shoes and a round cap. Tinago ko ang mahaba kong buhok sa cap ko kasi, duh? Ang init init tapos ilulugay ko? Ano ako? Tanga lang?

Bumaba na ako sa sasakyan ko at pinagmasdan ang bago kong school mula bukas. Mabuti nalang at hindi kasamang itinapon sa kung saan ang kotse ko tulad ng pagpapatapon nila sa akin sa University na ito.

Well, nagpunta na muna ako sa Registrar at inayos ang dapat na ayusin. Alangang ayusin ang di daoat ayusin di ba? Pagkatapos, nag-ikot ikot din ako sa University na ito. Well, aaminin kong mas bettrr nga siya compared sa University ko dati pero pareho lang naman silang kilalang school.

Malapit na ako sa which is I think ay gym ng UOS na ito ng may makita akong limang guys na nakasuot ng varsity jackets. Napatingala ako. Ang init init, naka-varsity jackets? Akala ko ba University of Stars 'to? Mukhang ang tatanga naman ata ng mga tao dito?

Lalakad na sana ulit ako ng may tumama sa mukha ko.

"Ouch!" What the hell? Sinong bumato sa akin?

"Opps!"

Napatingin ako sa limang lalaki na kasalubong ko. Yung isa, may hawak na bola na which is I think bola ng basketball. Ngiting-ngiti pa sa akin ang taranrado!

Don't tell me siya ang bumato sa akin?!

What the fuck again and again and again?!

--

A/N: So? What can you say? Comment guys! Vote din para mapost ko ang next chap. :*

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now