29: I deserve a prize

540 19 5
                                    

"Umiiyak ka ba?"

Sinamaan ko ng tingin si Hanz na bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Akala ko wala ng makakakita sa akin dito sa may tagong parte ng library pero mukhang naamoy ako nitong lalaki na ito.

"Umiiyak ka nga!" Tiningnan nya ang daliri nya na idinampi nya sa pisngi ko. Hindi ko alam na may tumulo na palang luha sa mga mata ko habang nagbabasa. Pinahid ko iyon saka itinabi ang cellphone ko na gina,it ko sa pagbabasa.

"What made you cry?" Tanong nya saka sumandal din sa book shelves. Sinilip ko ang masungit na librarian at mukhang hindi nya naman kami napapansin dito. Ngayon lang ulit ako pumasok sa library na ito pagkatapos kong masampiga ng unang araw na pumasok ako dito. Ginawa ko kasing silid tulugan ang library at kamalas malasan eh nahuli ako ng matandang dalaga na bantay.

"Hindi ako umiiyak o umiyak."

"I saw you!" Giit nya saka kinuha ang cellphone ko na nasa tabihan ko. Huli na para bawiin pa iyon dahil nakita na nya kung anong binabasa ko sa cellphone. "It's You Always Been You." Basa nya sa title ng isang wattpad story na nacurious ako sa title.

"You're a fan of wattpad?" Lumipad ang tingin nya sa akin kaya umiling ako saka pumikit.

"Hindi naman. Kapag wala lang akong magawa ako nakakapagbasa nyan." Sagot ko sa kanya na totoo naman. Noong isang taon ko lang nadiskubre kung ano ba yung sikat na sikat na website na wattpad ang pangalan na karamihan sa mga pinalabas sa sinehan at sa TV5 ay nanggaling sa mga kwento na mula doon.

"You're a fan of her?"

"Who?"

Itinaas nya ang kamay nya na nakahawak sa cellphone ko. "The author of this story, MitchikoSweetheart."

Tumango na lang ako sa sinabi nya. "Ngayon ko lang sya nakilala, baguhan ata."

"Yeah."

I glared at him. "You knew her?"

He shook his head. "Hindi. But I am a fan of her lalo na ng mabasa ko ang pangatlong kwento na ginawa nya."

"Nagbabasa ka ng wattpad?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Tumango naman sya. "Yeah. Wala namang masama di ba? You should read her other stories, matatawa ka lalo na dun sa Please say I Love You. As far as I can remember, sidestory lang yang binabasa mo ng kwentong iyon."

"At bakit ko naman babasahin yun?"

"Para mapangiti ka naman. Hindi yung nadadala ka sa pang-apat nyang kwento. May paiyak iyak ka pang nalalaman dyan. Ano bang nabasa mo?"

Hindi ako umimik sa tanong nya. Hindi ko masabi sa kanya na tulad ng bidang babae sa kwentong iyon ay nasasalamin ko ang sarili ko. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang mga iyon. Ngayon ko lang nakilala si Hanz at aaminin kong hanggang ngayon, hindi pa din ako palagay sa presensya nya.

"Ah. Ito pala ang binabasa mo."

Nilingon ko sya na ngayon ay nagbabasa na din ng binasa ko. Hindi ko alam na magkakaroon pa ng Book II ang kwento at lalong dadagdagan nya ng Preview ang Book I. Nabitin tuloy ako lalo pa sa nangyari sa dalawang bida. Tch.

Tinitigan ko sya habang nakayuko at busy sa pagbabasa. Sa totoo lang, ayoko muna syang makita lalo pa at hindi na ata nawala sa isip ko ang sinabi nya habang nagsasayaw kami sa party noong nakaraang gabi.

Hindi ko alam kung bakit nya nasabi iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit parang mas lalong nagtriple ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang mga sandaling iyon.

Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko. Bakit ko pa ba naaalala yun? Hindi ba dapat, iniisip ko na lang kung anong gagawin ko ngayong nakauwi na si witch? Tch. Bumalik na lang kaya ako sa condo ko? Okay lang naman siguro kahit malayo iyon sa UOS. Ayoko lang mangyari ulit ang ginawa sa akin ni witch.

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now