MyLesGi 5: Meet my Fiancée, Doll

752 40 2
                                    

Kishi's POV

"Argh!"

Napailing na lang ako habang nakatingin kay Hanz na kaibigan ko. Nagulat ako ng bigla na lang nyang itaob ang mesa sa gitna ng tambayan namin sa may likod ng building.

Tsk. Kahit naman gaano kamahal pa ang appliances na itutumba nya, alam kong meron naman silang pamalit dun sa sobrang yaman nila.

Hindi pa nga pala ako nakakapagpakikala. Ako nga pala si Kishi Yukima. Alam nyo na naman siguro kung bakit ganito ang pangalan ko. Pure Japanese ako pero nakakaintindi at nakakapagsalita ako ng tagalog. Dito kasi ako lumaki dahil nagustuhan ko ang klase ng klima na mayroon ang Pilipinas. Nakakasawa na din kasi sa Tokyo.

"Humanda talaga sa akin ang tomboy na 'yun!" Bulalas pa ni Hanz habang nakasimangot.

Tomboy?

Mukhang alam ko na kung sino ang kaaway nya ah?

Yun siguro yung babae na nakasalubong namin nung isang linggo na binato nya ng bola ng basketball.

Napailing ako at sininduhan ang yosi na hawak ko. "Ano na naman bang ginawa mo, Hanz?" tanong ko sa kanya.

He gave me death glare. "Ako? Ako pa talaga ang may ginawang masama sa kanya?" Halos hindi makapaniwalang tanong nya din sa akin na itinuro pa ang sarili nya.

Napahagalpak ako ng tawa sa tanong nya. Alam ko naman kasi na masyadong bilib sa sarili ang kaibigan kong si Hanz kaya alam ko na sya na naman ang nagpanimula ng away nila nung babae. I would bet my brand new car na umiral na naman ang kapreskuhan nya.

Unlike Hanz na ang tawag sa kanya ay tomboy, para sa akin babae pa din sya. Lalaki lang sya kung umasta.

"Ano na naman ang topak mo Hanz?"

Napalingon kami sa nagsalita. Si Sandra ang nakita ko na nakatayo at nakapamewang. Napatingin ako kay Hanz na bigla na lang naging maamong tupa ng makita nya ang ate nya. I smirked. Naglaho bigla ang pumo ng kayabangan na si Hanz at si Ate Sandra lang ang alam kong nakakapagpaganito sa kanya.

"Wala ah! Good boy kaya ako!" Sabi naman ni Hanz pero halata naman na kinakabahan sya lalo pa at pinaningkitan sya ng mata ni Ate Sandra.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako nyan sayo?"

Bigla namang napalunok si Hanz.

Si Ate Sandra ay dito din sa school nag-aaral. Magulang nila ang school director dito. Sa pagkakatanda ko, nasa ikahuling taon na sya ngayon tulad namin. May kinukuha pa kasi syang mga iwan na subject kaya nalate din ang pag-graduate nya which is supposedly last year pa. Si Ate Sandra din ang nag-iisang kapatid ni Hanz.

"Ano ka ba naman ate? Sa gwapo kong 'to, hindi ka naniniwala na nagsasabi ako ng totoo?"

Halos manlaki ang mata ng kapatid nya sa sinabi nya. Natawa na naman ako. Naisingit na naman kasi ni Hanz ang kayabangan nya.

"Yan! Yan ang dahilan kung bakit ang daming naprepreakuhan sayo." Napailing pa si Ate Sandra. Mukhang nauubusan na sya ng pasensya. "Bakit ba naman kasi nagkaroon ako ng kapatid na saksakan ng yabang!" Pagpaparinig pa nya kay Hanz bago umalis.

Nilingon ko ni Hanz n nagtatanong ang mga mata. I shrugged.

"Hey miss?! Watch out!"

Naagaw ang atensyon namin ng may biglang sumigaw. Yung mga naglalaro lang pala sa field.

"Hmm.. "

Tiningnan ko si Hanz na parang tanga na nakangiti habang nakatingin sa tinitingnan ko. Mukha syang tanga at kasi nakahawak pa ang kamay nya sa baba nya habang nakangisi.

Tiningnan ko ulit ang tinitingnan nya at saktong may tumayo. Saka ko lang napansin na my natamaan pala ng bola ang mga naglalaro.

Nang tumunghay ang babae, napatingin ako kay Hanz na mas lalong lumaki ang ngisi.

Ano na naman kaya ang pinaplano nya?

Hanz POV

Kanina badtrip na badtrip ako. Idagdag mo pa na nahuli na naman ako ng magaling kong ate na may ginawang kalokohan kahit wala naman talaga. Pero ng mapatingin ako sa field kasi may sumigaw, napangiti ako sa nakita ko.

Natamaan pala ng bola ng soccer si tomboy na kasalukuyang tumatayo kasi napaupo sya.

Hmm..

Hindi ko pinansin ang paglingon lungon sa akin ni Kishi. Lumapit ako kay tomboy.

"Uy tomboy! Nandito ka lang pala!" sabi ko na ikinalingon nila.

Halata ang gulat sa ,ukha nila pero nanatili lang na nakatingin sa akin si tomboy. Gusto kong mapapalatak sa reaksyon nya. Ni hindi man lang sya nagulat sa biglang pagsulpot ko.

"Kilala mo sya Hanz?"

Tumango ako sa isang player na nagtanong. Nilinga linga ko ang paligid. Lahat sila nakatingin sa amin. Nakangising inakbayan ko si tomboy na wala pa ding reaksyon.

"Everyone!" Tawag pansin ko sa lahat. "Meet my fiancee!"

Napasinghap sila sa sinabi ko. Nakangising tiningnan ko si tomboy na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin. Ayos! Akala ko pa naman habambuhay na syang hindi iimik!

"Who is she, Hanz?"

Natigilan ako sa tanong ni Kishi. Ngising ngisi sya sa akin at sinamaan ko sya ng tingin. Mukhang nahuhulaan ko na ang gusto nyang palabasin.

Ni hindi ko man lang alam ang pangalan ng "fiancee" ko!

I cleared my throat. "Ahm.. She is.." Wala akong maapuhap na sasabihin. Timingnan ko si tomboy and she smirked! Damn! Naiipit na ako! Bakit ba naman kasi hindi ko man lang inalam ang pangalan ng babae na ito?!

Kailangan kong makaisip ng pangalan!

Isip.

Isip.

Isip.

Ting!

"She is Doll!" I bursted out.

Napahalakhak naman si Kishi sa sinabi ko. "Doll? Seriously Hanz?" Hindi makapaniwalang sabi nya.

Hindi ko na sya pinansin at hinarap ang lahat.

"Simula ngayon, wala ng aaligid aligid sa kanya dahil ako ang makakalaban nyo."

Nagsitanguan naman ang lahat kahit mukhang hindi pa din sila makapaniwala.

"Sige na, magsibalik na kayo sa klase nyo." Taboy ko sa kanila.

Naiiling naman na naglakad palayo si Kishi habang nakasakbit sa isang balikat nya ang bag nya.

Naiwan kaming dalawa ni tomboy.

Nilingon ko sya at kamao nya ang sumalubong sa akin!

"Tsk! Fiancee? You don't even know my name idiot! Pero kung gusto mo ng laro, pagbibigyan kita." Niyuko nya ako at pinitik sa noo bago tumalikod.

Inis akong tumayo habang sapo ang panga at noo. Damn! That lesbian is getting into my nerves!

I smirked ng maalala ang sinabi ko sa lahat kanina. Sigurado akong kalat na yun bukas sa UOS.

Hm.. Walang pwedeng mang-api kay tomboy.

Ako lang..

Akong ako lang.

Napasipol ako habang nakatingin sa pigura nyang papalayo.

Welcome to the hell Doll.

----

My Lesbian GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora