43: Me = Will ruined him

386 15 0
                                    

"I can't believe we're going out."

"Kahit naman ako hindi makapaniwala."

"The world really turned upside down."

Gusto kong itirik ang mga mata ko sa sinabi ng tatlong shunga. Nasa likuran ko sila. Andito kami ngayon sa mall, supposedly nasa klase kami ngayon pero dahil pinuntahan na naman ako ni saltik eh sumama ako. Hindi naman nagpaiwan si Hanz kaya ayun, pati mga kaibigan nya eh nagsamahan na din.

Eto kami ngayon, gulong gulo dahil bukod sa bunganga nung tatlong shunga na mukhang pinaglihi sa kitikiti kasi nagtutulakan pa sila. Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin kong mga high school pa sila dahil sa behavior nila.

"Geez. Baka nakakalimutan nyo na hindi naman talaga dapat kayo kasama dito?" Sabat sa kanila ni saltik na mukhang nairita na din sa bunganga nung tatlo. Napatigil naman yung tatlo at tiningnan sya. Mayamaya, sabay-sabay silang bumanghalit ng tawa.

"You.." Hindi magkangmamayaw na tinuro pa ni Theo si saltik habang tawa ng tawa. "I can't believe na sinasabi mo yan eh mas madaldal ka pa nga sa amin."

"Theo is right." Sang-ayon naman nung dalawa at nagkatawanan na naman sila.

Nag-init siguro ang ulo ni saltik kaya naman hinabol nya yung tatlo. Naiwan kami ni Hanz at Kishi na sinusundan na lang sila ng tingin.

"May dadaanan lang ako. Maiwan ko na muna kayo."

Hindi pa kami nakakasagot eh bigla na lang nawala si Kishi.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Hanz. He smiled at me and I smiled back. Mukhang nagulat pa sya. I giggled.

"Hanggang ngayon hindi pa din ako sanay na nginingitian mo ako." Naiiling na komento nya.

Hindi ko naman sya masisisi lalo na kapag naiisip ko ang mga pinaggagagawa namin para lang mainis ang isa't-isa. We can't stand each other's presence pero ngayon, kaming dalawa ang naiwan dito at nagngingitian habang nag-uusap. I didn't imagine this is possible to happen.

"Let's go?"

"Where?"

"Date version 2.0" Nakangising sabi nya dahilan para pamulahan ako ng mukha. He even winked at me for Pete's sake!

Natatawang nagpahila na lang ako sa kanya. Bahala na si Lord. Bahala na sya sa kung ano mang pumapasok sa isip ni Hanz. Bahala na si Lord kung saan nya ako dadalahin.

"Dun tayo!"

Napatingin ako sa tinuro nya. Nalaglag ang panga ko ng makita kung saan kami pupunta.

"Anong gagawin natin dyan?"

He grinned. "Sasayaw."

Napasinghap ako. Hindi ako nakatutol nung hilahin nya ako. Dire-diretso sya dun sa pwesto kung saan nakalagay yung may kalakihan na tv.

Just dance.

"Hoy Hanz! Magtigil ka nga! Kung gusto mong sumayaw, ikaw na lang!" Natatarantang sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay nya na nakahawak sa akin. Mas hinigpitan nya ang paghawak at ngiting ngiti. Geez!

"Gusto kong makita kang sumayaw. Huwag kang magulo dyan." Sagot nya sa akin at pakiramdam ko eh uminit ang bumbunan ko sa sinabi nya.

Gusto nya akong makitang sumayaw?! Nagbibiro ba sya? Sa tanang buhay ko, never pa akong sumayaw!

Inilibot ko ang paningin ko. Dahil takaw atensyon 'tong si Hanz, hindi na nakakapagtakang mas dumoble ang tao na nakapaligid sa amin ngayon. Lahat sila nakangiti at nakatingin kay Hanz. Yung iba, mukhang kinikilig pa.

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now