MyLesGi 4: The 3 Idiots

851 44 5
                                    

***

Nakapamulsang naglakad ako papasok as building namin habang may mga matang nakatitig sa akin. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Andito na sya.."

Hindi ko din pinansin yung narinig ko na bumulong. Kung bulong pa nga na matatawag yun kasi nadinig ko. Rinig na rinig ko ang boses nya dahil sa tahimik ng hallway na tinatahak ko habang papunta sa classroom ko.

Sa sobrang tahimik, nadidinig ko na din ang pagnguya ko ng chewing gum na nasa bunganga ko.

Ang tahimik right?

Napatigil ako bigla ng may sumulpot na lalaki na sa palagay ko ay mukhang dinaanan ng bagyo ang buhok kasi gulo-gulo ito.

Napasinghap pa ang iba sa hindi ko malaman na dahilan.

"Hi!" Biglang bati nito sa akin at lalo pang lumakas ang bulungan.

Ako ba kinakausap nito? Mukhang hindi naman ata eh?

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilampasan yung lalaki na parang kabute na sumulpot. Nang igala ko ang tingin ko, nakatanga silang lahat sa akin na para bang nagulat pa sila dahil nilampasan ko ang lalaki.

"Hoy Miss!"

Nanatili akong naglalakad kahit pa may sumigaw. Sino ba naman kasi yun at naririndi ako? Kailangan pa ba talagang sumigaw eh pwede namang sabihin ang pangalan?

Napailing na lang ako dahil mukhang may mga saltik ang mga tao dito.

"Miss na naka-jeans at Emo na cap!"

Huh? Hindi nga nya binanggit ang pangalan, yung suot naman ang binanggit nya?

Tsss. Tawagin na kasi ang pangalan eh. Pinapahirapan pa ng kung sino na yun ang sarili nya.

"Babaeng naka-suprah shoes!"

Bigla akong napatigil dahil lahat sila nakatingin sa sapatos ko. Napatingin naman ako sa mga sapatos nila.. May mga naka.leather shoes, boots, heels, rubber..

Napatingin naman ako sa sapatos ko ng bigla silang magtaas ng kilay.

Suprah shoes ang suot ko ngayon.

Ang paborito kong suprah shoes.

Suprah shoes..

Suprah shoes..

Ibig bang sabihin, ako ang tinatawag ng kabuteng lalaki?

Humihingal na napatuon sa mga tuhod  ang kamay ng lalaki na nasa harapan ko na lang bigla. Mukha syang asong pagod.

"Hindi mo ba alam na ikaw ang tinatawag ko?" tanong nya sa akin.

Ngumuya muna ako bago sumagot. "Kung alam ko, hihinto na sana ako. Wag tanga pwede ba?"

Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. Honestly, lahat ng nakarinig. "What did you just say?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

I cleared my throat. "Ang sabi ko, wag kang tanga. Bingi ka ba o natatanga lang talaga?"

Bigla akong nakarinig ng hagalpakan sa likuran ko. Napabaling ako bigla at may nakita akong dalawang singkit na lalaki na tawa ng tawa at hawak pa ang tiyan.

"Pfft.. Hahaha! Tanga ka pala pre?" Sabi ng isa na naka light blue na shirt.

"Bingi na tanga pa.. Saan ka pa?!" sabi naman nung isa na naka-jersey.

"Hahahhahahaha!"

Tapos sabay silang nagtawanan.

Hindi ko maintindihan. "Para kayong tangang dalawa.." Hindi ko na napigilan ang bunganga ko.

My Lesbian GirlfriendNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ