46: Pakulo?

379 14 0
                                    

"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Hindi nga Hershey? Pwede mo pang kalimutan ang plano mo."

I arched my brows after hearing what saltik said. Inilapag ko ang mga damit na kinuha ko mula sa closet at hinarap na muna sya na natatarantang paikot-ikot sa loob ng kwarto ko.

I rolled my eyes. Hindi kasi talaga sya magkaintindihan. Ninhindi man lang nya tinapunan ng tingin ang mga damit na inilapag ko sa kama at nagpatuloy lang sya sa paglalakad habang nakakagat sa kanyang kuko.

"Pwede ba? Nahihilo ako sa ginagawa mo. Kumalma ka nga." Seryosong sabi ko sa kanya. Napasuklay ako ng buhok ko ng wala sa oras.

She glanced at me at pinamewangan ako. "Kumalma? Paano ako kakalma gayong ngayon ka lang nagkaganyan? Ano bang nakain mo? What the hell hapenned?" Sunod-sunod na tanong nya.

Umupo ako sa couch at pinagmasdan sya na nakatayo sa harapan ko. Napailing ako. Wala na akong magagawa kundi magkwento. Si saltik na lang ang makakatulong sa akin at kung hindi ko ikukuwento sa kanya ang lahat ng nangyari, wala akong mapapala sa plano ko na i-seduce ang Villafuerte na yun.

"I confessed." Panimula ko kay saltik na nabitiwan ang hawak na isang balot na lollipop sabay tutop ng bibig.

"Oh my! Are you serious?!" Sigaw nya at dali daling lumapit sa akin.

Gusto kong banatan ang mukha nya. "Mukha ba akong nagbibiro? Pag-untugin ko kaya kayong dalawa ni Hanz?" Pinanlakihan ko pa sya ng mga mata.

Humagalpak sya ng tawa. "Oh my! Seriously? You confessed your feelings?!"

"So?"

"Hindi ko alam na malaki na ang nagbago sayo. Hahaha!"

Binato ko sya ng unan. "Di ba ikaw itong may gusto na mag confessed ako? So, will you stop laughing? It's annoying."

Ngiting ngiti pa din sya ng tingnan nya ako. Alam kong pinipigil nya pa rin ang tawa nya. "Ang gusto ko lang naman, marealize mo. Hindi ko naman alam na may ugali kang kapag narealize mo, sinasabi mo agad'agad." Humalakhak na naman sya.

Iningusan ko sya. Nakakainis. Dapat ba talagang sinabi ko sa kanya ang ginawa ko? Mukhang hindi dahil naririndi na ako sa pagtawa nya kung tawa ngang matatawag yun dahil nagmumukha syang bruha sa paningin ko.

"When you confessed, anong sinabi ni Hanz? Anong naging reaksyon nya?" She eagerly asked me.

Napipilan ako sandali. Sasabihin ko ba? Pakiramdam ko kasi mas lalong hahagalpak ng tawa itong si saltik kapag sinabi ko. Tinitigan ko sya sandali. Napalunok ako kasi titig na titig din sya sa akin. "Ano? Sasabihin mo ba o ako pa mismo ang magtatanong kay Hanz?" Nakangising tanong nya sa akin at ipinakita ang hawak nyang cellphone.

I gave her death glare. "Hindi sya naniwala. He even asked me if I'm kidding."

Tama nga ang hula ko dahil humagalpak ng tawa si saltik pagkatapos marinig ang sinabi ko. "Ano ba? Pagtatawanan mo na lang ba ako maghapon?" Inis na tanong ko sa kanya. Binato ko na lang ulit sya ng ulit.

Napahiga na sya sa sahig habang tumatawa pa din. Mas lalo akong nainis.

"God!" She exclaimed.

"God ka dyan. Bumangon ka nga!" Sinipa sipa ko ang paa nya. "Wala namang nakakatawa!"

"Hershey! I am imagining things!" Natatawang sagotnnya pa ulit.

"At ano naman yun?"

"I am imagining your face when he asked you if you're kidding."

Mas nilakasan ko ang pagsipa ko sa paa nya sa sinabi nya. Nakakapag-init din ng bumbunan itong si saltik.

"Aray! Ang brutal mo talaga ha! Sinasagot ko lang naman ang tanong mo."

My Lesbian GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon