MyLesGi 3: Eraser + Snore

948 46 7
                                    

***

Inihimpil ko ang sasaktan ko parking lot ng UOS. Inayos ko muna ang round cap ko bago bumaba. Late na ako sa unang klase ko pero ok lang. Wala pa namang klase sa loob ng isang linggo. Hindi ko pinansin ang mga estudyabte na matamang nakatingin sa paglalakad ko.

Kinuha ko ang pinaglalagyan ko ng schedule ko at tiningnan ang mga numero sa taas ng classroom.

Room 407

Pinihit ko ang seradura ng makita ko ang room na hinahanap ko. Wala ng katok katok kaya naman nagulat pa ako ng mapatigil ang lahat sa pakikinig dahil sa pagpasok ko. Pagtingin ko.

O.o

O.o

May klase agad?! Halos mapanganga ako sa nakita ko. Nakatuon kasi talaga ang lahat sa sinasabi ng prof na nasa unahan na napatigil din sa pagpasok ko.

"You're late!"

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ng matandang hukluban na ito. "Excuse me? Kasisimula pa lang ng school year, klase agad?" Maangas na sabi ko.

Napatanga naman ang mga well? Kaklase ko? Tch.

Natigagal naman ang matandang hukluban sa sinabi ko. Ano? Pagkatapos niya akong pagtaasan ng boses, ganoon na lang yun? Nganga na?

Iiling iling na naghanap ako ng mauupuan na bakante. Pero iisa na lang at nasa may dulo iyon katabi ng lalaking natutulog. Naglakad na ako doon at itinaas ang paa ko. Advantage ng palaging nakapants!

Nakatingin pa din sila sa akin. This time, nanlalaki na nga ang mga mata nila na parang nakakita ng multo. Gusto kong matawa sa itsura nila pero pinigilan ko. Ngayon lang ba nakakita ang mga ito ng babae na nagtaas ng paa habang nakaupo? Mas komportable kaya ang ganitong posisyon!

Tiningnan ko si matandang hukluban na nakatingin din sa akin. "Go on tanda." Sabi ko sa kanya na ikinausok ng ilong niya sabay hawak ng eraser at ibinato sa akin. Pero dahil mabilis ang reflexes ko, naka-ilag ko.

"Oh my God!"

Umayos ako ng upo at itinaas ulit ang paa ko ng may dumagundong na boses mula sa tabi ko.

"SINONG BUMATO SA AKIN?!"

Hindi ko siya nilingon pero itinuro ko si tanda. "Siya!" at itinuro pa ang matandang hukluban na parang naging maamong tupa na nakatingin sa katabi ko. Maging yung iba nakatingin din sa direksyon ko.

Ano bang meron?

"IKAW?!" Nagulat ako ng may biglang bumagsak. Paglingon ko, upuan pala iyon nung lalaki na siyang nabato ng eraser dahil sa pag-iwas ko.

Tumunghay ako para magulat lamang sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"IKAW DIN?!"

Aba nga naman! Gusto kong mapapalatak ng makita kung sino ang katabi kong drakula na umuusok na ang ilong at tenga sa galit habang nakatingin sa akin.

Tsk. Agang aga ang panget na kaagad ng makikita ng mga mata ko.

Gusto kong mapangisi ng maalala ko ang unang araw na nakita ko si drakula na sobrang hangin ng utak.

"Anong ginagawa mo dito tomboy?!"

Natahimik naman ang iba. Ano? May dumaan bang anghel? I rolled my eyes ng marealize na nakatingin sila sa amin ni drakula. Nakatayo pa din ito at nagliliyab ang mga mata na nakatingin sa akin.

Inayos ko ang round cap na suot suot ko. "Pumapasok." simpleng sagot ko.

Unuversity of Stars? Eh bakit ang tanga ng lalaki na ito? Obvious ba na kaya andito sa school kasi pumapasok?! Hay! May saltik din ata ito eh!

My Lesbian GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora