42: Just let me

1.1K 19 0
                                    

"Pumapag-ibig ang katabi ko."

Natatawang parinig sa akin ni saltik habang may nakapasak na naman sa bunganga nya na lollipop. Parang wala syang pakialam kapag nalunok nya yun nang buo kasi kanina pa syang salita ng salita o mas tamang sabihin ay kanina pa sya parinig ng parinig sa akin ng kung ano-ano.

"Magtigil ka nga dyan." Saway ko sa kanya at pinanlakihan din sya ng mata. Tinawanan nya na naman ako at umiling iling.

"Ano bang pinakain mo dyan kay Hanz at ganyan na lang kung makabantay sayo? Kulang na lang ipalapa ko sya sa aso dahil buntot ng buntot. Nakakabanas sya kahit gwapo sya."

Sinulyapan ko si Hanz na nasa di kalayuan. Kanina pa sya nakabuntot sa amin ni saltik pero hindi kapag nakikita nya naman na nag-uusap kaming dalawa eh lumalayo sya. Ewan ko ba pero pinagpapasalamat ko na din yun dahil bukod sa binibigyan nya kaming dalawa ni saltik ng freedom para makapag-usap eh hindi ko din alam kung anong mararamdaman ko kapag nasa malapit dya at nakikinig ng usapan naming dalawa na hanggang ngayon eh sya ang topic. Ito kasing si saltik, wala na atang ibang nakita kundi yung pagbuntot buntot sa akin ni Hanz.

"Wala akong ginagawa sa kanya. Desisyon nya yan kaya hayaan ko na lang."

Tinitigan ako ni saltik ng nakaawang ang bibig. I raised my brow. "What?"

She smiled at tumingin ulit sa direksyon ni Hanz. "Unti-unti mo na syang napapapasok sa buhay mo."

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"What I mean is.. Katulad ngayon, okay lang sayo kahit nakasunod sya. Nag-uusap na kayo ng hindi nag-aasaran at nagkakasakitan. Hindi na kayo nag-uusap ng pasigaw. You let him in, Hershey. Hindi mo pa din ba matanggap sa sarili mo? O hanggang ngayon, hindi ka pa din aware sa mga nangyayaring pagbabago sa buhay mo?"

Natameme ako. Tumingin ako kay Hanz na nakaupo sa bleacher habang may nakapasak na headphone sa tenga. Malayo layo sya sa amin at mukhang wala syang pakialam kahit pinagtitinginan na sya ng iba - palihim nga lang.

Alam ko na takaw atensyon si Hanz. Hindi ko alam na makukuha nya din ang atensyon ko.

"Ano, Hershey? Aaminin ka na ba sa sarili mo?"

I heaved a sigh. Matagal ko ng pinag-iisipan ang bagay na yun. Matagal na ding gumugulo sa akin ang mga tanong na hanggang ngayon eh wala pa ding sagot. Siguro nga may mga sagot pero hindi ko binibigyang pansin. Pero kapag nag-iisa ako, wala akong obang naiisip kundi ang lahat ng nangyari..lahat ng naging usapan naming dalawa.

"Ano namang aaminin ko?"

She giggled. "Hanggang ngayon in denial ka pa din pero ayos lang. Alam ko naman ang nararamdaman mo eh. Masyado ka lang in denial."

Tumayo na si saltik at iniwan ako. Napatingin na lang ako sa likuran nya habang naglalakad sya pababa sa hagdan.

"Hanz!" Tawag nya kay Hanz. Nag-angat naman ng tingin si Hanz at tumingin kay saltik tapos eh sa akin. Tumayo na sya sa pagkakaupo at naglakad papunta sa direksyon ko.

Hindi ako makakilos. Nakatingin lang ako sa bawat galaw nya. Sa simpleng pagkuha nya ng bag nya.. Sa simpleng paglalakad nya habang hinahangin ang buhok nya. Sa pananamit nya. Ang linis nyang tingnan at aware ako na walang magkakamali na kumalaban sa kanya.

He's the son of our school director. Ilang beses ko ng nakita ang kaya nyang gawin, ang kaya nyang patunayan. He's a master. Walang ibang magagawa ang kahit na sinong utusan nya kundi gawin at sundin ang lahat ng naisin nya.

Alam ko din ang pakiramdam na protektahan ng isang tulad nya.

He gave me a warm smile ng makalapit na sya sa akin. "Bakit ka nya iniwan?"

My Lesbian GirlfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora