27: Hanz: May I know your name?

509 24 0
                                    

Just the thought of him being my date for the party tonight gave me an unexplained feeling.

Bakit ko nga ba pinoproblema ang lalaki na yun? Bakit hindi man lang ako sumagot sa sinabi nya? Bakit ko ba hinayaan ang sarili ko na matameme na lang? God! Gusto kong sapukin ang sarili ko sa katangahan ko nung isang araw!

I am staring at myself in the mirror. Hindi ako makapaniwala na nawala sa alaala ko ang tungkol sa event na ito ng UOS. Ano bang pinagkakabalahan ko nitong mga nakaraang araw? Mukhang wala naman?

Meron. Iniisip mo si Hanz. Tinatawag mo pa nga ang pangalan nya hindi ba?

Agad kong winaglit sa isip ko ang walang kwentang sinagot ng isipan ko. Psh.

Naupo ako sandali sa upuan na nakaharap sa malaking salamin. Naririnig ko ang tugtog mula sa garden na syang pagdadausan ng party. Wala si witch ngayon at nasa isang business abroad. Hindi ko pa din sya nakikita pagkatapos ng nangyari. I doubt if she even remember what happened.

Napatingin ako sa braso ko na nakalabas sa suot kong dress. Wala na ang mga pasa doon. Nakatulong ang mga gamot na ibinibigay sa akin ni Kishi ng palîhîm. ewan ko ba pero nagpapasalamat pa din ako dahil hindi nya ako pinilit magsalita kung anong nangyari noong araw na muntik na nya akong masagasaan.

Hindi ako makapaniwala na magpapakababae ako ngayong gabi. Hindi ko nakilala ang sarili ko sa salamin. Kulang na lang tamungin ko ang kaharap ko kung anong pangalan nya pero alam ko naman na ako ito dahil sa bawat pagkurap ko, kumukurap din ang repleksyon ko.

"Wow!"

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas iyon. I saw saltik na nakatingin sa akîn habang nakanganga. Gusto ko syang sabunutan ngayon dahil sya ang may kasalanan kung bakit ganito ang ayos ko ngayon. Nagpadala sya ng mga mag-aayos sa akin because according to her, alam nya daw na hindi ako marunong. Kulang na lang sabihin ko sa kanya na wala naman akong balak na lumabas habang nagpaparty sila sa baba.

Tiningnan ko ang suot nya mula sa salamin. She's wearing a white dress na princess cut. Her hair was tied into a bun, revealing her flawless neck. Mas lalo atang nagmukang anghel itong si saltik sa suot nya. Wala ding nakapasak na lollipop ngayon sa bunganga nya. Mukha syang matino ngayon. She's wearing a seven inches gold heels na katerno ng mga alahas nya. Humahakab ang suot nyang dress sa katawan nya. I knew some guys won't resist her.

"Tell me, nagkamali ba ako ng pinasukang kwarto?" Nagpalinga linga pa si saltik sa kabuuan ng kwarto. Gusto kong mapailing. I knew she will be like this.

"I told you, ayoko talaga." Mahinang sabi ko sa kanya.

She looked at me na parang mangangain sya ng tao. "At sinabi ko na din sayo na hindi pwede."

"Mahirap pakisamahan ang taong napipilitan lang."

"Pero hindi naman ako nahirapan na pakisamahan ka."

Natigilan ako sa isinagot nya. She smiled at nilapitan ako. Naramdaman ko ang kamay nya sa buhok ko na naka-headband na french braid. "I knew it! Alam ko na talaga ang babagay sayo kaya ganito ang iniutos kong gawin sa buhok mo." Tuwang tuwang sabi nya habang hinahaplos ang mahaba kong buhok na noon ay nakatago lamang sa round cap.

Inikot nya ang upuan na inuupuan ko. I am now facing her. "Bakit mo itinatago ang ganda mo? You're so pretty Hershey. Hanz will seriously drop his jaw once he see you in this state." She gave me a lopsided grin.

I couldn't help but rolled my eyes. "Hanggang dito ba naman sya pa din?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

She laughed loud. Enough for me to cover my ears for that irritating sound. She haven't change. Mukhang walang nagawa ang suot nya sa mala-demonyong halakhak nya. This girl is really something. Kung sana lang ay hindi ito tumawa ng ganoon, iisipin kong hindi baliw ang babae na ito.

My Lesbian GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora