47: Thoughts?

444 17 3
                                    

S/N: Hi guys! Ang tagal kong walang update and I am really sorry for that. Sobrang busy ko lalo na nung March which is for me, "Busy March!" Hindi ko alam kung bakit nagkasabay sabay lahat ng kailangan kong gawin. Pantae lang talaga ang nangyayari. Haha!

Btw. Gumagawa pa ako ng pangalan sa wattpad world and I really can't believe na may nakakakilala na sa akin. Last Feb. 25 kasi nasa Trinoma ako sa TGI Fridays at may lumapit sa akin nung time na iniwan ako ng barkada ko. Geez. A lil'chitchat and wala akong ibang nagawa kundi ngumiti na lang. Nakasumbrero ako nun tas naka-jacket pa. Hindi ko alam may nakakilala pa din. I am really flattered. I am very happy that's why sabog confetti! *evil grin.*

Hello guys! Thank you for those who approached me that time at TGIF at saka sa mall. Woo! Kahit haggard na ako sa paghahanap sa tropa ko na nakita ko naman, nilapitan nyo pa din ako para tanungin kung ako nga 'to. :) Thanks for supporting!

With love. Hearts everywhere.

***

Huminga muna ako ng malalim bago itinuloy ang paghakbang sa loob ng gymnasium ng UOS. Geez. Hindi ako mapakali. Hindi dahil sa sobrang taas ng heels na suot ko o sa kung ano mang itsura ko ngayon kundi dahil parang nawawala ang self confidence na baon ko bago ako bumaba ng sasakyan ko.

Relax Hershey. Always remember what saltik told you. Chin up and always smile!

Napalunok ako ng maalala si saltik. I can't blame her kung ganitong klase ng damit ang ipinasuot nya sa akin. This dress really suits my plan. Bwisit kasi 'tong si Hanz! Minsan lang ako mag open up ng feelings, hindi pa naniwala! Letse talaga. Kung hindi ko lang talaga sya mahal, nung isang araw ko pa sya nabigwasan! Ang sakit sa pride nung sinabi nya ah! Bwisit talaga.

Sobrang ganda ng loob ng gym ng tuluyan na akong makapasok. Madaming tao na nagkalat sa kung saan at napangiwi ako ng makita ko ang mga suot nila. Ngayon ko napatunayan na tama si saltik sa pagpili ng damit na susuotin ko ngayon kahit naiilang ako. Lahat sila maiikli ang suot at halos wala ng itago. Idagdag pa ang nangangapal na mga mukha nila dahil sa make up.

May kanya kanyang kasama ang lahat ng ilibot ko ang paningin ko. Napanguso ako. Hindi ko makita si Hanz at dapat siguro eh pinilit kong magpunta si saltik kaso hindi naman kaya ng konsensya ko na pilitin sya gayong ayaw ng katawan nya dahil ngayon pa sya tinamaan ng lagnat. Nakakainis. Wala tuloy akong makausap dito.

Naglakad lakad ako. Maaga pa kaya sinasamantala ng ilan ang oras at kung ano-ano ang ginagawa nila. May nakita ako na gumagawa ng banner para sa grupo ni Hanz mamaya. Mayroon ding may dalang mga pagkain at ang ilan naman ay may mga kadate at nasa sulok. I want to roll my eyes. Hindi naman valentines pero parang ganun na din.

"Wala ata si lollipop?"

Nilingon ko ang baritonong boses na nagmula sa likuran ko. "What are you doing here?" Hindi ko napigilang itanong.

He let out a chuckle. "You're unbelivable, Hershey."

I rolled my eyes. Nasa likuran ko na pala si Theo. "Hindi pa ba kayo naghahanda?"

Tinaasan nya ako ng kilay. Gusto kong mapangiwi. Nilapitan nya ako ng konti at pinakatitigan. "Gusto mo lang malaman kung asan si Hanz eh!" He snorted.

Napasinghap ako sa sinabi nya. "Hoy! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hindi ko tinatanong kung nasaan si Hanz! Ni hindi ko nga binanggit ang pangalan nya eh!"

"Talaga? Pero alam nating pareho na sya ang hinahanap mo kanina pa di ba?" Nakangising balik tanong nya sa akin.

Inirapan ko na lang sya at saka binaling ang tingin sa ibang direksyon. Geez. Bakit ba naman kasi hindi ko namalayan na andito na pala sa likuran ko ang kulugong 'to? Masyado na ba akong obvious at nahalata nyang kanina ko pang hinahanap si Hanz? Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa sinabi nya.

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now