MyLesGi 7: Meet 'saltik

653 38 2
                                    

There were times that you can't just take your eyes off into something that caught your attention.

Papasok na sana ako sa building namin ng may mahagip ang mga mata ko na nakaupo sa ilalim ng mesa ng katabing assigned classroom ko ngayon. Madilim sa loob niyon pero kita ko pa din ang bulto nya.

Nakayuko ang lalaki at hawak ang cellphone nya na naka-landscape. Alam kong lalaki sya dahil sa bulto nya. Halata ko din na matangkad sya kahit pa para syang tanga na nakaupo sa ilalim ng mesa.

Puno ata ng mga taong may sabog ang utak ang university na ito.

Napailing na lang ako at aalis na sana ng bigla syang tumayo at tinungo ang pinto. Ewan ko pero parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon at hinintay sya na makalabas.

"Tsk. Nakakainis! Ano ba 'tong nasalihan kong clan? Araw araw na lang may clan war! Ang gagahaman sa war. Tsk." Iiling iling na sabi nya ng makalabas.

Napaismid ako ng makita ko kung sino sya. Si Hanzngin lang pala. Kaya siguro biglang umihip ang malakas na hangin dahil dadating na pala ang nagmamay-ari ng pinakamalakas na hangin. At walang iba kundi si Hanz Villafuerte.

"Oh! Andito ka na pala babe? Hinihintay mo ako ano?" Nakangising sabi nya ng makita ako. Hindi nya pa din binibitawan ang cellphone nya at kahit nakatingin sya sa akin, nag tatap ang mga daliri nya sa screen nito na parang may pinipindot na kung ano dun sa larong nilalaro nya.

"Hindi ka lang mayabang. Makapal pa ang mukha mo. Tsk" sabi ko naman sa kanya bago pumihit patalikod sa kanya.

Bakit ba kasi palaging sya ang nakikita ko?

Bigla nya akong inakbayan at promise! Baka gawin ko na nga sa kanya yung pinanood ko kahapon na laban nina Triple H at John Cena sa wrestling.

"My shoulder is not for you to rest your hands."

He smirked. Ang sarap ibaon ng nguso nya sa putik na may kasamang uod.

"Ang sweet mo talaga babe. Kaya kita labs eh."

Damn! Ngising ngisi talaga sya at yung iba, hindi maiwadang hindi mapatingin sa aming dalawa kasi naman, itong lalaki na ito, todo bati sa kanila. -_-

Nakapasok kami ng room na nakaakbay pa din sya sa akin. Napamulagat ang mga nasa loob at tutop pa ang bibig.

Nang makaupo ako ay itinaas ko ulit ang paa ko. Usual clothes pa din ako kaya naman ang sarap maupo ng nakataas ang paa.

"Tsk. Ibaba mo nga ang paa mo babe! Ang baho ng paa mo." Rinig kong sabi ng dracula sa tabi ko.

Sinamaan ko sya ng tingin. Nakasapatos pa ako tapos sasabihin nya na mabaho ang paa ko? Gunggong talaga ang isang ito.

"Mas mabaho naman ang bunganga mo kesa sa paa ko kaya pwede ba? Itikom mo na yang bibig mo bago ko pa isupalpal sayo itong paa ko." Banta ko sa kanya.

Napailing na lang sya at hinayaan ako. This is not the usual Hanz Villafuerte.

Dumating ang prof at kapag minamalas ka nga naman! Si tanda nga pala ang dirst subject naman ngayon kaya sya ang prof. Mula dito sa upuan ko, kitang kita ko ang panot nya. Nagsimula na syang maglecture pero ako, nagkakamot lang ako ng kilikili ko.

"Okay class. Sa ngayon, gusto kong may magvolunteer dito sa unahan at sabihin kung anong sinabi ko."

Sinabi? Wala naman akong natatandaan na sinabi nya ah? Ts.

"Hmm.. Let me call.. Ms. jackson."

Nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin. Wow! Kilala na nila ako? Ang saya naman. Pero sorry na lang sila dahil hindi ko sila kilala.

My Lesbian GirlfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin