15: The Offer

596 32 4
                                    

Inis akong nagbukas ng facebook account pagkauwi ko. Hanggang ngayon, dala ko pa din ang inis ko sa pinakita sa akin ni saltik. Bukod pa dun, hindi nya ako hinayaang makatakas kanina. Naghabulan kami hanggang sa maikot na yata namin ang buong USO but still, sya pa din ang nanalo. Nakikita nya ako kahit saan ako magtago.

Nangigigil lang ako lalo ng makita ko ang post nung mahangin na yun. Bakit ba palagi na lang post nya ang nauunang lumabas sa news feed ko?

Nag scroll ako ng comments pero sana pala hindi ko na lang ginawa.

Tiffany William: Oh My! Ang kapal naman ng mukha nyan Papa Hanz!

Sasha Bico: Maitext nga yan!

Jasy Corpuz: Duh? Ang kapal para pagsalitaan ng gamyan si Papa Hanz!

GC Flores: Ok ka lang,Papa Hanz?

Jazz Die: Kapag nakilala ko sya, igaganti ko si Papa Hanz!

CJ Martin: Kainggit naman!

Daisy Maei: Paano nya nalaman ang number mo, Papa Hanz?

Mga echosera. Bakit ba kasi kailangan pang ipost yun ni mahangin? Ang kapal din na ilagay na secret admirer nya ako! Mukhang mapapagpraktisan ko talaga bukas ang pagmumukha ng lalaki na yun!

Hanz Villafuerte commented on his own photo.

Tumingin ako sa chat bar ko at nakitang online pala ang loko! Tch! At nag comment pa talaga sya ha?

Hanz Villafuerte: Girls, Huwag kayong mag freak out kaagad okay? I didn't know kung paano nya nakuha ang number ko. Isa lang siguro sya sa nagkakagusto sa akin. ;)

Aba't ang kapal pala talaga ng mahangin na yun!

Answer the phone!

Answer the phone!

Answer the phone!

Answer the phone!

Answer the phone!

Answer the phone!

I glanced at my phone. Hindi ko pala sya nai-silent.

Saltik Calling

Ano naman ang kailangan ng babae na'to? Siguraduhin nya lang na hindi nya ako iiyamutin dahil baka sa kanya ko ibuntong ang pinaplano ko para kay mahangin bukas.

"Low?"

"Gosh Hershey! Hahahah! Kalat na kalat na yung post ni Hanz!"

"So?"

"Anong so ka dyan?! God! Hindi mo alam kung anong mangyayari sayo kapag nalaman nila na ikaw yun!"

Ano nga bang pwedeng mangyari sa akin kapag nalaman nila na ako ang nagtext kay hangin? Ah, alam ko na. Susugudin nila ako. Ganun naman talaga kapag fans hindi ba? Pero in thr first place, hindi ko alam kung anong meron sa mahangin na yun at ganito na lang sya kung itrato ng mga babae. Pagtrato na parang sinasabi na Hanz is God's gift to women.

"Hoy!"

"Matutulog na ako."

Binabaan ko din agad si saltik. Masyado syang madaldal. Hindi ba sya nauubusan ng words?

Ila-log out ko na sana ang account ko ng biglang may mag popped out na message.

Hanz Villafuerte

Hi babe! Nakita mo na ba ang post ko? ;) Huwag kang magseselos ha!

Kung hindi ko lang mahal ang laptop ko, malamang basag na'to ng mabasa ko ang message nung mahangin na yun.

Stop calling me babe, idiot.

My Lesbian GirlfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя