38: Date

460 19 1
                                    

"Anong klase ng lason ang inilagay mo sa utak nya para pumayag sya sa gusto mo?"

"Talagang lason kaagad ha?!"

I crossed my arms over my chest. Nakaupo sa harapan ko ngayon si Hanz at nakangising nakatitig sa akin. Kanina pa umalis si saltik at nakakainis lang kasi iniwan nya ako sa lalaki na ito. Akala ko pa naman nagbibiro lang sya sa sinabi nya na nag set sya ng date sa aming dalawa ni Hanz pero nung iwan nya ako kasama ang mahangin na 'to eh saka ko lang narealize na hindi nya ako pinagtritripan.

I gritted my teeth to control my anger. Baka masuntok ko 'tong lalaki na nasa harapan ko ngayon kahit iyon naman talaga ang gusto kong gawin pero ayokong maging dahilan ng kaguluhan dito. Hindi ko hahayaan ng sarili ko na mapahiya dahil kay Hanz.

"You looked gorgeous."

Inirpan ko sya and he chuckled. Mas lalo akong nabwisit sa ginawa nya. Hindi nya ba maramdaman na by just his mere presence eh naiinis na ko? Tapos tatawa pa sya eh wala namang nakakatawa?

"Panget mo." I said at pinaningkitan nya ako ng mata. I want to congratulate myself dahil naiba ko na naman ang mood nya. Akala mo ha!

"Ako panget? Baka lunukin mo yang sinabi mo kapag na-inlove ka na sa akin!" Mayabang na bulalas nya. Gusto kong isupalpal sa mukha nya ang salamin. Ang hangin talaga eh!

"Bakit naman ako maiinlove sayo aber?"

"Gwapo kasi ako. Idagdag pa na ang gentleman ko."

"Kumapal ka lalo ha?" Pang-iinis ko sa kanya. Nagulat ako ng batuhin nya ako ng crumpled tissue. "Geez! Ano bang problema mo?"

He laughed. "Ikaw ang may problema sa ating dalawa." Iiling iling pa sya. "Ano bang masama sa pakikipagdate sa akin at gsnyan ka? Malulunod ka bz sa kagwapuhan ko kaya natatakot ka sa date nating dalawa?"

"Alam mo gusto kong masuka sa pinagsasasabi mo."

"Masuka ng ano? Pagmamahal na may kasamang kilig? Magpakababae ka kahit ngayon lang, pwede ba?" He even arched his brows.

"Paano kung ayoko?"

"Halikan kaya kita para naman maging babae ka? For sure hahanap hanapin mo ang halik ko kapag nagkataon."

This time eh ako naman ang nagbato s kanya ng tissue. Gusto ko pa ngang isama yung lalagyan nung tissue kaso ayoko namang mag caused ng ingay. Tumayo ako at lumabas dun sa restaurant.

"Hoy! Hindi pa tayo kumakain!"

Nakasunod naman sa akin si Hanz. I rolled my eyes sa sinabi nya. "Busog na ako sa kahanginan mo." Diretso pa din ako sa paglalakad. Bakit ba naman kasi kailangan pa akong sundan nito?

"Pero nagugutom na ako!" Reklamo nya sa likuran ko. As on cue, may narinig akong nag alboroto. Gusto kong mapangisi ng marealize kung saan yung nanggaling. Sa tyan ni Hanz. Sigurado ako.

"Eh di bumalik ka dun kung gusto mo."

"Payag kang kakain ako dun ng mag-isa?"

Nilingon ko sya at nanlalaki ang mga mata nya. "Eh ano naman ngayon ang pakialam ko kung kumain ka ng mag isa dun?"

Ngumisi sya sa akin. "Alam mo na. Ang gwapo ko at baka pagkaguluhan dun." Lumapit sya sa akin. Hindi naman ako nakaatras. "Hindi ka ba natatakot na maagaw ako sayo?"

Pinakita ko sa kanya ang kamao ko sa sinabi nya. "Eh eto? Gusto mong lumipad sa mukha mo?"

Binuka nya ang bibig nya pero iba ang narinig ko.

"Ang sweet nila ano?"

"Oo nga eh. Dito pa talaga sila nag-aaway. Aang cute nilang tingnan."

My Lesbian GirlfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora