31: Huwag mong tingnan ang pwet ko.

531 19 0
                                    

"Boss mo ako ngayon."

"Nilunok ko na ang paki ko." Umismid pa ako.

"Sundin mo na ang utos ko."

"Ayoko."

"Bakit ba ayaw mo?"

"Eh bakit ha ang kulit mo?!"

"Ako ang nanalo. Susundin mo ako."

"Ako ang talo. Kaya wala akong pake sa utos mo."

"Alila kita ngayon."

"Sa isip mo."

Napabuntong hininga na lang si hangin na nakasunod pa din sa likuran ko. Palagi na lang syang bakabuntot sa akin, pansin nyo ba?

Nanalo na sya at pinaniwalaan na sya sa kasinungalingang sinabi nya kaya nagtataka ako at kinukulit nya pa din ako. Oo nga pala, kaya nya ako kinukulit kasi uutusan nya daw ako. Pero hello?! Ang kapal naman ng mukha ng lalaki na 'to. Pinahiya na nya ako at pinalabas na nagsisinungaling tapos aalilain pa nya ako?

"Bakit ba ayaw mo? Mag-eenjoy ka naman eh. Ako kaya ang amo mo."

Sinulyapan ko sya sandali. Napahawak ako sa bewang ko at napatingala. Ang kulit nya kasi eh. Nagmamadali ako kasi gusto ko ng mahiga at matulog. Tapos eto, ayaw nya pa akong tigilan.

"Wala akong pakealam okay? Asan ba ang temga mo at hindi mo maintindihan ang sinasabi ko?"

Hinawakan nya ang tenga nya. "Pasensya naman. Kritikal pa ang tenga ko eh,"

I frowned. "Kritikal?"

"Kinagat mo 'to." Pagpapaalala nya sa akin.

Napairap ako saka naglakad na ulit. Walang kwentang kausap kahit kailan. Wala na talagang pag-asa.

Hinding hindi ko ata makakalimutan ang ginawa ngayon nitong lalaki na 'to. Gusto kong bumawi pero wala akong maisip.

"Anong iniisip mo?"

Hindi ko sya pinansin.

"Villafuerte."

Pareho kaming napatigil. Nasa harapan namin ang grupo nina Matt at may hawak silang mga raketa. Nakangisi silang lahat at naka-black na leather jacket na naman. Ngayon ko lang ulit sila nakita pagkatapos ng party. Hindi ko na sila namataan pagkatapos nun at ni hindi ko man lang sila nakasalubong. Nakakapagtaka kung nasaang parte sila ng mansion noon.

"Anong kailangan nyo?"

"Yung kasama mo."

Hinigit ako ni Hanz sa likuran nya. Nagulat ako at hindi nakagalaw. Nang tingnan ko ang grupo nina Matt, mas lalong lumawak ang pagkakangisi nila. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magtaka. Anong kailangan nila sa akin? At bakit ganto itong si hangin?

"Spare her, Matt." May bahid na iritasyon ang boses nya.

"Why would I?" Amused na sabi naman ni Matt.

"Because I said so. Because you have too."

Nagtawanan silang lima. Nakatingin lang ako sa kanila at may narinig pa akong nagbubulungan ng mapadaan sa kung saan kami naroroon.

"Bakit pinagtatanggol nya si Jackson?"

"Nag-aaway na naman ba sila?"

"May ginawa na naman ba yung tomboy?"

"Grabe, ang hot naman ni Hanz!"

My Lesbian GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon