49: Worth it

356 11 0
                                    

S/N: Ang hirap talaga kapag na-writer's block ano? Kailangan kong basahin ulit ang kwentong to. Hays. Just glad that I'm back. So here's the update. ':)

**
"Bakit ba ang init ng ulo mo?" Hindi kO mapigilang hindi itanong kay Hanz na kinakaladkad ako ngayon sa palabas ng gym. "Pwede bang bumalik na lang tayo sa loob? magpeperform pa kayo eh!" reklamo ko pa din dahil wala akong nakuhang response sa kanya.

Gigil nya akong binitiwan at hinarap. "Kaya na nilang apat yun kahit wala ako."

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano? Nababaliw ka na ba? Pinaghandaan mo to! Pinaghandaan nyo tapos hindi ka magpeperform? Ano ka ba naman Hanz! Wag mo silang iwan sa ere ngayon lalo pa kung laban nyo to sa pagitan nyo ni Matt!"

Minsan talaga may saltik din tong si Hanz eh. Hindi ko magets minsan ang tumatakbo sa isip nya. Paiba iba palagi. Tama naman ako di ba? Bakit ngayon pa sya hindi magpeperform? Eh sina Matt kaya yun!

"Hayaan mo na lang ako kung gusto kong hindi magperform, Hershey."

"No." giit ko. This is a very big event at image nila ang nakasalaylay dito. Hindi ko hahayaan na dahil lang sa akin kaya masisira yun. Ayokong mapatunayan ni Matt na tama ang lahat ng sinabi nya sa akin noon sa mall.

He heaved a long sigh. "Pwede ba Hershey? Malaki ang tiwala ko sa mga kaibigan ko kaya alam ko na kaya na nila yun."

Alam kong nauubusan na ng pasensya sa akin si Hanz base sa pananalita nya.

"Hindi ko hahayaan na masira ka dahil ko lang Hanz." Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin yun.

Naguguluhan nya akong pinagkatitigan. "Ano bang sinasabi mo? Masisira ako dahil mo?"

Mapait ko syang nginitian. "Hindi ko hahayaang isipin ni Matt na tama lahat ng konklusyon nya. Na ako ang sisira sa maganda mong imahe dito. Hindi ko hahayaang mangyare yun dahil alam ko kung gano ka kabuting tao." mahinang sabi ko sapat na para umabot sa pandinig nya dahil kita kong natigagal sya sandali.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Ayokong mag isip ang kahit na sino na ako ang may dahilan kaya hindi ka nila mapapanood na pantayan at higitan ang ginawa nina Matt. Tama na yung ilang buwan nilang pruweba na naging masama ang ugali ko dito. Natuto na ako, Hanz. Naisip ko ang mga bagay n pinaggagawa ko at nakasakit sa ibang tao. Ayokong maulit yun dahil lang dito. Tinuturuan ko na ang sarili kong magtiwala at baguhin ang nakasanayan nila sa isang Dollar Hershey Jackson. Kaya please? Kung kinakailangan kong lumuhod para lang magperform ka ngayon, gagawin ko."

Akma na akong luluhod ng pigilin nya ako. Nagpapaunawang tiningala ko sya mula sa pagkakayuko.

"Yun ba talaga ang gusto mo?" tanong nya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Oo."

"Then you will join me on the stage."

Napanganga ako sa sinabi nya. Hindi ko ata kaya iyon!

I swallowed hard. Tama naman ang sinabi ko di ba? Grabe lang talaga si Hanz minsan. Bakit kailangan ko pang sumama sa kanyang magperform eh hindi ko naman laban to?

"Umaandar ang oras, Hershey." paalala nya sa akin.

Napakagat labi tuloy ako ng wala sa oras. Pikit mata akong tumango dahil iniisip kong wala din naman akong choice. Oh damn!

Napatili ako ng hawakan nya ang kamay ko saka kami tumakbo pabalik sa gym. Napatingin sa amin ang lahat na madaanan namin at pagtataka ang nakabalatay sa mga mukha nila pero ako? Heto, hindi ko na naman mapigil ang mabilis at abnormal na tibok ng puso ko na para bang anytime ay sasabog na to sa hindi ko malamang dahilan.

My Lesbian GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon