51

349 12 0
                                    

Naglalakad ako ngayon. School days as usual. Ang kaibahan nga lang, kung noon nagtatago na ang iba kapag nakikita ako dahil sa takot, ngayon naman, tinititigan nila ako habang nakataas ang kilay at sinusundan ang bawat paghakbang ko.

Kung yung dating Hershey Jackson siguro ang naglalakad dito, nasuntok ko na ang iba sa asar. sabi ko sa isip ko. Napakagat labi ako. Alam ko naman kung bakit sila ganyan pero wala akong pakialam. Sabi nga ng iba, lahat ng tao may kanya kanyang bahong itinatago, at ngayon nga lumabas na ang sa akin.

Hindi ko na lang pinansin ang mga nakatingin. Wala naman akong magagawa dahil kahit hindi ko aminin, aware ako sa tumatakbo sa isip nila.

Asan kaya si saltik?

I heaved a long sigh at tumingala. Nakakatamad na araw pero kailangan kong magpakanormal.

"Jackson."

Napatingin ako sa tumawag saken. Nakatayo sa harapan ko si Matt. Nakakagulat na wala ata ang mga alipores nya?

Ngayon ko lang sya ulit nakita. Or should I say, ngayon lang sya ulit nagpakita after nung laban nila na sina Hanz ang nanalo.

Oo, sina Hanz ang nanalo dun sa performance. Isang boto lang naman ang nilamang nina Hanz eh. Sobrang saya naming lahat kase dahil dun, tinigilan na din ako nina Matt. Yun pala kase ang usapan ng dalawang grupo sa kung sino mang mananalo.

"What do you want?"

Nagulat ako ng ngumiti sya sa akin. "Wala naman. Mukhang wala ka sa huwisyo kaya tinawag kita."

Muntik na akong mapanganga sa sinabi nya. Si Matt ba talaga tong nasa harapan ko o namamalimata lang ako?
Nawala na kasi ung maangas na si Matt na ang lamig tumitig.

Bago pa ako makapagsalita ulit ay nawala na sya sa harapan ko.

Nawala nga ang angas pero bastos pa din. Di man lang nakuhang magpaalam.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may umakbay sa akin. Tiningnan ko kung sino yun, si Hanz pala.

He smiled. "Kumusta ka?"

"I'm fine."

"Are you sure?" paninigurado nya. Gusto ko tuloy tingnan ang mukha ko sa salamin. Mukha ba akong hindi okay?

Nagdaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakakapanibagong walang nangiming magsalita. Patuloy lang kami sa paglalakad.

Malapit na kami sa classroom namin ng bigla syang huminto. Nagtataka ko syang nilingon.

"Why?"

He held my hand firmly. "You won't mind if we cut class right now right?"

Ano?! Nababaliw na ba to?

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

Niyakap nya ako. Nagulat na naman ako. Kung may sakit siguro ako sa puso, kanina pa akong inatake dahil napapadalas ang pagkagulat ko.

Sus. Basta nariyan lang si Hanz, nagugulat ka. Sabi ng malandi kong konsensya. I rolled my eyes.

"You trust me right?" bulong nya habang hinahaplos ang buhok ko.

Tumango ako. Of course I trust him, so much.

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now