55: The Final

525 17 0
                                    

Hershey's POV

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Hawak hawak ni Hanz ang kamay at ang bag ko. Kinikilig ako at alam kong hindi ko yun pwedeng itago lalo pa at alam kong obervant tong si Hanz.

Napangiti ako habang nakatingin sa likod nya. Pasipol sipol pa ang abnormal na to. Nginingitian ko ang bawat makakasalubong namin at nginingitian naman nila ako pabalik.

It's been six months. Ang bilis ng panahon at kapag naiisip ko ang lahat ng nangyari, pakiramdam ko parang kahapon lang yun.

Nakita ko si saltik na kabababa lang ng sasakyan nya. Nakangiti syang kumaway sa akin na ginantihan ko naman.

Huminto si Hanz sa paglalakad ng makitang palapit sa amin ang babae.

"Hello lovebirds!" hyper na sabi nya. I rolled my eyes. She haven't change.

"Ang ingay mo kahit kailan." naiiling na komento ni Hanz. Nilagay nya ang kamay nya sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Hindi pa sya nakontento at hinalikan pa ang buhok ko sa harapan mismo ni saltik.

Nakita ko naman ang nanunudyong tingin sa aming dalawa ni Fri. I blushed na mas lalo nyang ikinatawa.

"Where are the two of you going?" tanong nya sa aming dalawa.

Hanz shrugged. Tumingin naman sa akin si saltik dahil wala syang nakuhang sagot mula kay Hanz.

Tinuro ko ang field. She arched her brows na para bang hindi makapaniwala. I giggled. Dyan lang naman talaga kami pupunta ni Hanz eh.

"Okay. Magdate kayo field." pinag diinan nya pa talaga ang salitang field. "Mauuna na pala ako. And Hanz?" tumingin si Hanz sa kanya. "Take care of her okay? Kapag may nangyari sa kanya hinding hindi kita mapapatawad!" banta nya kay Hanz bago tumalilis. Ni hindi man lang nakuhang sumagot ni Hanz. Mas lalo akong natawa ng makita ko ang hilatsa ng mukha nya.

"What's so funny?" iritableng tanong nya. Namewang pa talaga sya sa harapan ko.

"You." flat na sabi ko. He pouted. I pinched his cheeks. He blushed. I didn't know he's capable of blushing.

"Whatever."

"Sungit mo ah."

"Panget ka kasi."

"Kung pangit ako, ano ka pa?"

Nagulat ako ng buhatin nya ako bigla. Kahit kailan talaga walang wala sya sa pang aasar ko.

"Ibaba mo ko! Nakakahiya!" sigaw ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Argh!

Tinawanan nya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa field.

Sa loob ng nakalipas na six months, masasabi kong kontento akong palaging nasa tabi ko si Hanz. Hindi nya ako pinabayaan kahit kailan. Hindo namin alam kung bakit natatagalan namin ang isa't-isa kahit bangayan kami ng bangayan. Nagkakaroon kami ng tampuhan pero naaayos naman namin kaagad. Of course sya ang nakikipag-ayos sa akin! I am a Jackson remember?

Inilapag nya ako sa upuan na nasa field. Nanuod kami ng mga naglalaro. Wala kaming klase ngayon kaya naisipan na lang namin na dito gugulin ang oras kesa sa labas. Nakakasawa na naman kasi yung palagi kaming nasa labas though kahit nasa labas naman kami ay may iba't-ibang sorpresa sa akin si Hanz na hindi ko alam kung paano nya ginagawa gayong palagi naman kaming magkasama.

"How's your parents?" basag nya sa katahimikan sa paligid naming dalawa.

I looked up at him and he stared at me too. I smiled bago sinagot ang tanong nya. "They were fine. Alam kong makakalabas din sila."

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now