48:

384 15 6
                                    

Sinalubong ako ng mga nagkakaingayang tili ng mga kapwa ko estudyante sa UOS. Sandali akong napapikit. Wala pa mang nangyayari ay ganito na sila, paano pa kaya kung magsimula na ang laban sa pagitan ng grupo nina Hanz at Matt?

Inikot ko ang tingin ko sa buong gymnasium na napapaligiran ng mga lobo at ilang food stand na nasa gawing likuran. Kitang kita din mula sa kinatatayuan ko ang mga banner na hawak ng ilan sa mga taga suporta nina Hanz at Matt.

As I stared at those people, alam kong ganun din ang gagawin ko. Magdadala ako ng banner at susuportahan ko si Hanz pero dahil nabadtrip ako sa kanya kanina, wag na lang. Sayang effort, mahal pa naman.

Hindi ko pinansin ang mga napalingon sa akin ng maglakad ako papunta sa sulok kung saan may nakita akong nakahilerang upuan. Hindi man ito sa harapan mismo ng stage pero kita ko pa din naman kung sakali mang magperform na sina Hanz.

Naisip ko si saltik. Kung andito sya ngayon, alam kong dun kami pareho pupuwesto sa harapan. I heaved a long sigh. Ang tahimik ng mundo ko ngayong may sakit si saltik. Hindi ko man diretsang aminin, alam ko sa sarili ko na namimiss ko ang kakulitan at tabas ng dila nya.

Hinila ko pababa ang super iksi kong suot na dress ng maupo na ako. Geez. Ang lamig nga pala dito sa loob at nakakapanghinayang na wala akong nadalang jacket. Pinilit kong labanan ang antok na nararamdmn ko ngayon dahil gusto kong makita kung paano palakarin ng UOS ang ganitong klase ng event.

Tiningnan ko ang oras sa relo na suot ko. Pasado alas sais pa lang pala. Hindi ko alam kung anong eksaktong oras ang simula ng competition pero ramdam ko na mayamaya lang ay magi-istart na yun.

"Bakit hindi mo palitan ang suot mo?"

Napalingon ako bigla ng may magsalita sa likuran ko. Napaawang ang bibig ko ng makita ko si Hanz na matamang nakatayo sa likuran ko. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa backstage ka?" Takang tanong ko sa kanya. Hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan nya pero wala akong nakita, tanging sya lang talaga ang nakita kong nakatayo sa likuran ko.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. He just shrugged.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko."

Nag-iwas ako bg tingin dahil sa klase ng titig nya sa akin. Yung titig na alam ko sa sarili ko na hindi ko matatagalan.

"Hershey." May bahid na ng pagkainis ang tono ng boses nya.

Lumingon ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. "Required na ba ngayong sumagot sa tanong kahit labag sa kalooban ng isang tao?"

Nginisian nya ako at saka tumungo para magpantay ang mukha namin. Napalunok ako at hindi magawang iiwas ang mga mata ko sa pagkakataong ito.

"Tinatanong kita at required sa akin na sumagot ka sa tanong ko."

Hindi ko na pinansin ang sinabi nya. Hindi ako mapakali sa tibok ng puso ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko at alam kong konting galaw lang eh maglalapat na ang...

Ilong namin! Masyado kasing matangos pareho eh. Wag kayong green.

"Good evening Starians!"

Ay! Ano ba naman 'to? Nagsimula nang dumoble ang tili na naririnig ko kanina dahil mukhang magsisimula na ang palabas. Tiningnan ko si Hanz na nanatili pa ding nakatitig sa mukha ko. "Hindi ka pa ba aalis?" Nilakasan ko ang pagtatanong ko sa kanya para marinig nya.

Umayos sya ng tayo at saka namulsa. Tumingin sya ng diretso sa unahan tapos binalik nya ang tingin nya sa akin. Nagulat ako ng hubarin nya ang jacket na suot nya at nagpunta sya sa likuran ko para ilagay yun sa balikat ko.

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now