17: Sungay

565 26 2
                                    

"Sya yun hindi ba?"

"Oo. Sya nga."

"Hindi naman sya maganda ah?"

"Bakit kaya sya inaya ni Hanz?"

"Nawalan na ba ng taste sa babae si Papa Hanz?"

Ilang beses ko kayang maii-share sa inyo na nasa loob talaga ang kulo ng ibang babae dito?

Kailan kaya ako maglalakad dito ng walang tumitingin? As in, walang masasamang aura na tumitingin?

"Babe!"

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ng marinig ang nakakairitang pagtawag na yun. Boses pa lang naiirita na ako, pagmumukha nya pa kaya? Psh.

"Babe!"

Piniksi ko ang balikat ko dahil hinawakan ako ni hangin.

"Babe naman. Huwag ka namang ganyan. Kailan kaya tayo hindi mag-aaway?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si hangin na nasa likuran ko. Nakabusangot ang mukha nya at nasa tuhod ang mga kamay. Hiningal siguro sa paghabol. Ang tanga naman kasi! Hindi naman ako nagpapahabol dahil ayokong makita ang pagmumukha nya, humabol pa din.

"Tumigil ka nga sa kaka-babe mo!" Singhal ko sa kanya bago tumalikod. Nakita ko pa ang masasamang tingin sa akin nung mga babae na nag-uusap din tungkol sa akin kanina. Sarap dukutin ng mga mata nila.

"Pero babe, pansinin mo nga kasi ako. Sa lahat ng babae, ikaw lang ang hindi pumapansin sa akin eh ang gwapo gwapo ko."

Gusto ko na talagang mabatukan 'tong si hangin. Makulit na nga ang yabang yabang pa! Grabe! Wala ba 'tong magandang characteristic? Mayabang na, mahangin na, feeling na, makulit pa!

"Hanz Villafuerte!"

Napalingon lahat ng may marinig na matinis na boses. Napalingon ako sa pinanggalingan nun. May nakita akong isang babae na naka-dress at killer heels habang nakapamewang na nakatingin sa direksyon namin.

"Shit!"

I glanced at Hanz when he cursed.

"Hoy!"

Napasigaw ako ng kaladkarin nya ako. "Bitiwan mo ako!" Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa braso ko pero mas lalo nya lang hinigpitan. Kinakaladkad pa din nya ako.

"Hanz!!!"

Lumingon ako at nakita kong nasa likuran namin yung babae. Mas lalo namang bumilis ang pagkakaladkad sa akin nitong si hangin ng lumingon din sya at makita na nakasunod pa din yung tumatawag sa kanya.

"Dito tayo.."

Hindi ko napaghandaan ang gagawin nya kaya naman napasubsob ako sa sahig ng isang bakanteng room na nadaanan namin.

"Letse ka!" Sigaw ko sa sakit ng pagkakasubsob ng mukha ko. Unti unti akong umupo at nilingon sya na nakasilip sa siwang ng dalawang bukas na bintana.

Dahan-dahan akong lumapit at sinapok sya.

"Aww!"

Boom! Sapol yung mukha nya sa bintana!

Sinamaan nya ako ng tingin bago ako nilapitan. "Ano bang problema mo tomboy?!"

Dinuro ko sya saka ko sya sinapok ulit. "Problema ko?! Tanga ka ba ha?! Isinubsob mo ako sa sahig!' Singhal ko sa kanya. Ang lakas ng boses ko kaya naman tinakpan nya ang bibig ko ng kamay nya.

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now