52: The Revelations

323 9 0
                                    

Hershey's POV

The place was absolutely beautiful. I can't imagine Hanz doing such a thing like this. Hindi ko pa din iniaalis ang tingin ko sa buong park. Hindi pa din kase ako makapaniwala.

Hinawakan nya ako sa siko at iginiya sa gitna na mayroong picnic mat. Umupo kami pareho at kinuha nya ang pagkain na nakalagay sa basket.

"Andami naman yata nyan?" takang tanong ko habang sinusundan ng tingin ang bawat pagkaing kinukuha nya sa basket.

"Alam kong matakaw ka." tatawa-tawang sagot nya.

Binato ko sya ng kamatis. "Ang kapal mo ha." namumulang sabi ko.

Tatawa tawa pa din nya akong sinagot. "I'm just kidding okay? I just want to see you smile."

I blushed. Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon. Damn! Masasapak ko na talaga tong si Hanz!

"Kain ka na. Alam kong kanina ka pang nagugutom." aya nya sa akin.

Kinuha ko ang binigay nya na kanin at adobo. Napatingin ako sa kanya haang ngumunguya at napanin nya naman yun.

"What?"

"You can cook?" hindi ko na naitago ang mangha ko.

Tumango naman sya. He winked. Umirap ako. Ang landi talaga nito.

"Masarap ba?" tanong na habang kumukuha ng saging.

Hindi ko sya sinagot. Patuloy lang ako sa pagkain ko. Gutom na gutom na kase talaga ako. Hindi namin expect na maiipit kami sa traffic kaya wala kaming dalang snack sa loob ng sasakyan nya.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sumama sa kanya. Basta ang alam ko, nagtitiwala ako sa kanya na hindi nya ako pababayaan.

Natapos na kami sa pagkain. Niligpit nya lahat at ibinalik sa picnic basket. I can't help but stare, tahimik lang din sya, siguro nakikiramdam.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kawalan. Hanggang kailan ako mahihirapan ng ganito? Kailan ko sila mapapatawad?

"A penny of your thoughts?" untag sa akin ni Hanz. Nakatingin sya sa akin at nakangiti.

"How did you know?" tanong ko sa kanya. Masyado na ba akong obvious para makahalata sya?

Tumingin sya sa harapan and heaved a long sigh. "When a girl is quiet, millions of things are running on her mind."

Napipilan ako saglit. Wala akong maapuhap na sasabihin. Hindi ko alam observant pala si Hanz. I should always remember that.

"Don't worry about the things you can't control, instead focus on the things that you can." dagdag nya pa.

"Why are you telling me those things?" hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin sya.

Lumingon sya sa akin.

"I will tell you things dahil alam kong yun ang dapat kong gawin. Hindi ko kayang makitang nagkakaganyan ka. I  here. I will always be, Hersey. Pwede mong sabihin sa akin ang lahat ng bagay na gumugulo sa isipan mo. Tutulungan kita kahit anong mangyare sa kahit na anong paraan. Pinapasok mo na ako sa buhay mo at simula nun, binigyan mo na din ako ng karapatan na malaman ang lahat ng tungkol sayo. I am willing to listen."

Titig na titig sya sa akin habang sinasabi yun. Ngayon ko lang napansin na kulay brown pala ang mga mata ni Hanz. Mga matang nakikiusap na sabihin ko sa kanya ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko.

I trust Hanz. May mawawala ba sa akin kung sasabihin ko sa kanya ang lahat?

Paano mo malalaman kung hindi mo naman susubukan?

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now