34: Better Half

476 21 0
                                    

"Bakit ba palagi ka na lang nakasunod?"

Tumigil ako sa paglalakat tiningnan si Hanz na nasa likuran ko. Oo nga at kung minsan eh para syang aso na nakabuntot sa akin pero kakaiba talaga ngayon eh. 24/7 na ata nya akong binabantayan.

"Baka may mangyari na naman sayo na wala ako sa tabi mo."

Napatitig ako sa mukha ni Hanz sa sinabi nya. Seryosong seryoso syang tingnan ngayon. Nakakapanibago. Pero bakit parang hindi nanibago ang abnorml n tibok ng puso ko?

Simula ng magising ako pagkatapos ng dalawa at kalahating araw na hindi ko mapaniwalaan na itinulog ko pagkatapos ng pagcocollapsed ko, palagi na lang syang nakabantay sa bawat kilos ko. Hindi ko alam kung bakit. Palagi nyang sinasabi na 'wala lang'.

Pero ngayon? Naiba ang lumabas sa bibig nya na sagot sa tanong ko.

"Huwag ,o akong pinaglololoko, Hanz." May halong pagbabanta ang tono ko at tinitigan sya ng matiim.

He smiled playfully. Bakit parang nag-iiba na ang ihip ng hangin at parang ang gwapo gwapo nya sa paningin ko?

Jeez! Stop this nonsense, Dollar Hershey!

Umiling ako. Pinipilit ko pa din sa sarili ko na pinaglololoko nya lang ako.

"Bakit ba ayaw mong maniwala?" Nagtatakang sabi naman nya.

Nakatayo lang kami pareho sa may gilid ng hallway. May mga dumaraan pero para titigan at paglawayan ang lalaking kausap ko ngayon. May pakaway kaway pa talaga sya kapag may bumabati sa kanya. Ang hangin talaga!

"At bakit naman ako maniniwala sayo?"

He chuckled. "Bakit ba parang ang hirap para sayo na paniwalaan ang mga sinasabi ko?"

"Dahil alam ko na hindi ka magsasabi ng totoo."

"Paano mo naman nasabi na hindi ako nagsasabi ng totoo?"

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil titig ma titig sya sa mukha ko. "Simple lang. Alam ko kung anong pollution ang dala mo. Lahat dinadaan mo sa biro. Lahat dinadaan mo sa kung paano mo tingnan ang isang bagay. You're Hanz Villafuerte..masyado kang mataas. Mataas ang pagkakatingin mo sa sarili mo. Oo nga at hindi pa kita masyadong kilala pero unang pagtatagpo pa lang ng landas nating dalawa, hindi na naging maganda. Naulit ang mga ganun nung naging seatmates tayo na walang ibang ginawa kundi pasakitan ang isa't-isa at walang gustong magpatalo." Humarap ako sa kanya. Nakatitig pa din sya sa akin. "Alam mo naman siguro kung bakit ganito ang pagtrato ko sayo hindi ba?"

Tumango naman si Hanz at nilapitan ako. Nagulat ako ng bigla nya akong higitin at sapilitang paupuin sa may hagdan. Wala na akong nagawa kundi umupo. Tumingin sya sa may bintana na nasa tapat ng kinauupuan namin. Mukhang wala syang pakialam kahit may dumaan sa pagitan naming dalawa dahil hindi din naman kataasan ang hagdan na 'to.

"You should know first impressions not always last, Hershey. Maaaring hindi naging maganda ang unang pagkikita nating dalawa pero maaari pa din namang mabago yun. Parang tama at mali.. magiging tama lang ang mali kapag binago mo. Pwede kong baguhin ang ginagawa ko para lang mapantayan yang standards mo."

Napakunot noo ako. "Bakit mo naman gagawin yun?"

"Maybe to please you?" Natatawang sabi nya.

"We're living in this world not to please everybody."

He shrugged. Sumeryoso ulit ang mukha nya. "Yeah. Pero kaya mo bang ipaliwanag ang nararamdaman ko?"

"Ano bang nararamdaman mo?"

My Lesbian GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora