MyLesGi 10: Then, call me BABE

610 32 4
                                    

S/N: Chapter 11 till end ang start ng lahat na lang kay Dollar. Hindi na ako maglalagay ng ibang POV. For a change. Type ko lang isingit dito si Hanz. 'Yun lang. Thanks! :)

***
Hanz POV

Nakatayo ako sa labas ng bahay ng mga Jackson. Hindi ko alam kung bakit ako andito. Tapos na ang klase namin at dito kaagad ako dumiretso. Malapit lang pala sa subdivision namin ang kinatitirikan ng bahay nila.

Kanina, pumasok si tomboy na animo ay walang nangyari. Ganun pa din sya, papasok pero pasok lang talaga. Nakupo lang sya at hindi nakikinig. Alam ko yun dahil palagi konsyang inoobserbahan. Nakita ko din ang takot sa mukha ng mga kaklase namin ng makita nila na papasok ng room si tomboy. Hindi ko naman nakita na nakasunod sa kanya yung babae na nagpakilala na girlfriend ni tomboy.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinabi nya.

Namataan ko ang kotse ni tomboy. Nagtago ako sa malaking puno at mayamaya pa ay nakita ko syang umibis ng sasakyan nya pero hindi sya pumasok sa loob. Nanatili lang syang nasa labas.

Nagulat ako ng kuhanin nya ang isang stick ng sigarilyo.

She's smoking?!

Tulad kanina, blangko pa din ang ekresyon nya habang nakatitig sa malaki nilang bahay. Ganito pala kayaman ang pamilya nila. Malaki din naman ang bahay namin pero alam kong walang wala iyon kung ikukumpara sa bahay nila. Mayaman din naman kami pero alam kong triple ang yaman ng mga Jackson.

Nagtaka ako kung bakit hindi pa sya pumasok sa loob ng bahay nila.

Kinuha ko ang cellphone ko ng bigla yung mag vibrate.

Stalking me huh?

My brows furrowed ng makita ko ang laman ng message galing sa isang unregistered number.

Who are you?

Tumingin ulit ako sa gawi ni Hershey pagkatapos kong isend ang reply ko dun sa nagtext sa akin. Pagtingin ko, napakamot na lang ako sa ulo dahil wala na sya sa loob ng sasakyan nya.

"Asan na kaya yun?" Hindi ko mapihpgilang hindi kausapin ang sarili ko. Tsk. "Dapat 'tong isisi sa nagtext sa akin eh!"

"Hindi ka lang pala mahangin.. Baliw ka rin."

Napalingon ako ng may magsalita sa likuran ko.

O.o

"A-anong ginagawa mo dyan?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ko kay tomboy na hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala at nakasandal sa puno habang nagyoyosi.

"Eh ikaw? Bakit mo ako sinusundan?"

Napamaang ako sa sinabi nya. Paano nya nalaman?!

Napatingin ako sa itinuro nya. Nakita ko ang kotse ko. "Yan ang sagot ko sa tanong mo dyan sa isip mo."

Napamaang na naman ako. Kahit gusto kong ibulalas ang salitang cool kasi nabasa nya ang iniisip ko, wala.. nanatili lang akong tahimik na nakamaang sa kanya.

"Kung gusto mo pang mabuhay, huwag na huwag ka na ulit tatapak sa teritoryo ng mga Jackson at lalong huwag na huwag mo na akong susundan pa."

Naglakad na sya palayo at pumasok na sa loob ng bahay nila. Naguluhan ako sa sinabi nya.

My Lesbian GirlfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang