19: The Clubs 1

600 24 2
                                    

"So, pumayag ka na ba sa offer ni Hanz?"

Bumalik ako sa sahig saka humiga. Agang aga, si saltik 'tong napagbuksan ko ng pinto ng kwarto ko. Linggo ngayon kaya nakakapagtaka na nagpakita sya sa akin pagkatapos ng ilang araw na ni anino nya ay wala.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Malamang dinadalaw ka. Psh. Hindi mo ba ako namiss?" Nakangising tanong nya naman sa akin.

"Asa ka."

Napahagalpak naman sya ng tawa sa sinabi ko.

"Bakit nga ba ako magtatanong sayo ng mga ganung bagay ganung alam ko na naman ang magiging reaksyon mo?.. So ano? Naggdate na ba kayo ni Hanz?"

I glanced at her at nakita ko syang may kinakalikot na sa laptop ko. Hindi ako bumangon para pigilin sya. Hahayaan ko na lamg sya tutal, wala naman syang makikita na kung ano dun.

Ipinikit ko sandali ang mga mata ko. Inaantok pa ako. Kasalanan nitong si saltik kung bakit ako namomroblema ngayon. Kung hindi sya dumating bigla, hindi sana ako mabibitin sa pagtulog ko.

"Oh.."

Hindi ko sya pinansin.

"Mukhang may problema ka, Hershey."

Kunot noo akong nagmulat hg mga mata. Problema?

"Ano?"

Nilingon nya ako at nginuso nya ang laptop ko. Ano naman kayang meron? "Anong ginawa mo dyan?"

"Ahm.. Nag open ng facebook?"

Naglakad ako papalapit para tingnan kung ano ang problema na sinasabi nya.

Lathè

HERSHEY JACKSON, RUMORED GIRLFRIEND OF HANZ VILLAFUERTE. ?!

Sunod sunod na paghinga ang ginawa ko ng makita ko kung ano ang sinasabi ni saltik.

Rumored girlfriend?! Sinong walang hiya ang nagpakalat nito?!

"Hala ka, Hershey.. Ihnada mo na ang sarili mo bukas ah,"

"What do you mean?"

She smiled. "Lathe. Iyan lang naman ang schoolpaper ng UOS. Meaning, lahat ng napapabalita dyan, nagtretrending. Kapag popular ka, mas sisikat ka pero kapag hindi ka naman popular, congrats! Sikat ka na. So, congrats girl! Ang daming gustong mapabalita dyan para sumikat sila alam mo ba yun?" Pinanlakihan nya ako ng mga mata. "At nagawa mong mapabalita dyan ng wala ka man lang ginagawa! Grabe! Idol na talaga kita!"

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi nya. Tingin hya natutuwa ako sa nakita ko? May pa-congrats congrats pa 'tong nalalaman! Leche.

"Ingudngod ko kaya ang mukha mo dyan?"

"Ano?!" Nanlaki ang mga mata nya. "Huwag mong sabihin na hindi ka masaya?!" Parang hindi makapaniwalang sabi hya at iniikot pa ang upuan para tingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Sa tingin mo ba matutuwa ako dyan? Tell me, sino ang namamahala nyang Lathè na yan?!"

Malaman ko lang kung sino talaga ang namamahala ng schoolpaper na yan, mata nya lang ang walang latay!

Rumored girlfriend?! Nakakatawang isipin pero kahit kailan hindi ko ginusto na malink sa mahangin na lalaking yun! Lalapit pa nga lang sa akin gusto ko na syang patayin sa sama ng tingin tapos ganito pa ang mababasa ko?!

Ang sarap pumatay!

"Naman Hershey eh!"

"Ano?!"

My Lesbian GirlfriendWhere stories live. Discover now