MyLesGi 12: 3 Idiots became 4

617 31 4
                                    

Mag-isa lang akong nakahiga sa bench sa garden ng biglang matakpan ang sinag ng araw sa mukha ko ng kung sino. Hindi ako nagmulat ng mga mata. Masyado akong inaantok. Mamaya pa naman ang susunod kong klase kaya wala naman sigurong pakialam ang mga tao dito kung matulog muna ako.

"Tch. Kailangan talaga, dito sya matulog?" Rinig kong bulong ng kung sino. Pinigilan kong mapakunot noo. He's whispering something kaya hindi ko masyadong makilala ang boses nya.

Naramdaman kong umupo sya sa may paanan ko. Hindi ako nagpahalata na nagpapaantok lang kahit gustong gusto ko syang tadyakan sa pang-iistorbo sa akin.

"Grabe.. Naka suprah pa din talaga ah?" Medyo malakas na ang boses nya. That voice.. Kilala ko kung kaninong mahangin na tao ang boses na yun!

Mas lalo kong ipinag-igi ang pagtutulugtulugan. Mas mabuti na'tong nakapikit ako kesa makita ko ang pagmumukha nyang dracula.

Hindi ko pa din maiwasang balikan ang sinabi nya kanina. You will suffer because you will fall in love with whom you called gay..

Tch. Ang drama din pala ng isang 'to.

I gritted my teeth ng bigla nyang kurutin ang binti ko. Maybe trying to wake me up. Wala na talagang magandang magagawa sa buhay ang isang Hanz Villafuerte.

"Ano kayang magawa dito kay tomboy? Hm. This is my chance.. Kailangan magantihan ko sya for calling me gay. Damn!" Frustrated na pagkausap nya sa sarili nya.

Mukhang hindi pa talaga sya maka-get over sa pagsasabi ko na bakla sya. Ano pa kaya kung sinuntok ko pa sya kanina? O kaya naman ni-wrestling? Inginudngod ang mukha sa lupa?

"Oh my God.. Bakit kasama ni Hanz si witch?"

"Tinakot nya ata."

"Wala syang kasingsama."

Gusto ko sanang imulat ang mga mata ko para bigyan ng nakamamatay na tingin ang mga nagsabi nun. Wala akong kasingsama? Ano pa kayang tawag sa mga Jacksons?

I gritted my teeth silently. Ang sarap ipamukha sa kanila ng mga pinagsasasabi nila.

"Sshh. Nakikita nyo namang natutulog ang fiancee ko di'ba?"

Isa pa'tong si mahangin. Hanggang kailan nya ba ipagkakalat na fiancee nya ako? God! Takas ata sa mental ang isang 'to.

"Hanz!"

"Pare!"

"Argh. Kapag minamalas ka nga naman."

"Anong minamalas ang pinagsasasabi mo dyan, pre? Uy! Bago mong chix?"

Sino naman kaya ang kausap ni hangin? Chix? Ako ba tinutukoy nila? Mas lalo atang dumami ang mga mang-iistorbo sa akin.

"Huwag ka ngang maingay." Naiimagine ko na ang busangot na mukha ni mahangin.

"Naman 'tol!" Tapos nagtawanan sila. Gusto ko ng imulat ang mga mata ko para mapagsabihan sila. Inaantok na talaga ako.

"Di ba yan yung tomboy na kinukuwento mo sa amin?"

Huh? Kinukwento nya ako? Lech. Bwisit talaga ang mahangin na'to

"Oo nga pare. Ano namang ginagawa nyo dito? I'rarape mo? Hahaha!"

My Lesbian GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora