39: Usapang ♥Beat

443 18 0
                                    

"Kamusta yung date nyo? Nag enjoy ka ba? Hindi mo nirereplyan ang bawat text ko eh."

Hindi ako nakasagot sa tanong ni saltik. Hindi ko alam kung dapat ko na ba syang tawagin sa pangalan nya tutal eh nagpakilala na naman sya sa akin. Pero kahit anong gawin ko wag ko lang makalimutan ang pangalan nya eh hindi ko talaga magawa. Simpleng 'Fri' lang naman yun pero hindi ko talaga matandaan.

"Huy!" She pinched me.

"What?"

Hinarap nya ako sandali at binitiwan ang hawak nyang paint brush. "Tinatanong kita pero hindi ka naman sumasagot. Para akong tanga na kunakausap sa bato ah?" Hinipo nya ang leeg ko. "Wala ka namang lagnat. Okay ka lang ba?"

Tumango ako sa tanong nya. Wala naman talaga akong lagnat. Hindi ko lang talaga alam kung anong isasagot ko sa tanong nya sa akin.

Kamusta nga ba ang date namin ng lalaki na yun?

"So?"

"Anong so?"

She rolled her eyes at napapikit pagkatapos. "Hoy Hershey ha! Huwag ka nang mag maang-maangan dyan, pwede? Tell me, nag-enjoy ka ba sa set ko sa inyo?" Nakangising tanong nya.

Inirapan ko sya dahilan para mauwi sa halakhak ang ngisi nya. "Ano bang nakakatawa?"

Itinuro nya ako habang hawak ang tyan nya. "Tingnan ko pa lang ang reaksyon mo, alam ko na ang sagot."

I gritted my teeth. Ganun na ba ako kashowy kapag si Hanz ang pinaguusapan? Kahit naman hindi direktang sabihin sa akin ni saltik eh alam ko na ganun ang tingin nya.

"Hey."

Pareho kaming napalingon. Nakita namin na nasa loob na din ng greenhouse ang barkada nina Hanz. Pawang nakangiti silang lahat pero tingin ko, evil smile ang mas magandang utawag dun dahil parang may gagawin na naman silang kalokohan na nakakapag-init ng dugo ko.

"You changed your outfit?" Tanong sa akin ni Theo. Napatingin din ang iba sa suot ko.

Gusto kong mapasimangot. Sinamaan ko bg tingin si saltik nung tumikhim sya.

"Honestly, tinapon ko yung mga karaniwang sinusuot nya at pinalitan ko ng bago." Nakangising sagot nya kay Theo. Napanganga naman sila except kay Hanz na kita na ang gilagid sa lawak ng ngisi. Paano ba naman sya magugulat eh nakita na nya akong nakaayos nung isang araw? Hindi na naman siguro iba kung nakajeans ako ngayon at heels kompara nung nakaraan na naka-dress.

"It suits her." Tumatango tangong sabi ni Alfred.

"Mas bagay pala sayo ang ganito. Bakit kailangan mo pang itgao ang curve ng katawan mo?" Si Kishi naman na inikutan pa ako.

Gusto ko syang batukan lalo na nung tumawa sya ng nakakaloko. Ang manyak ha!

I rolled my eyes lalo pa ng maalala ko ang sinabi ni saltik. It's really true na itinapon nya ang mga loose shirts ko at maging yung hindi pasado sa panlasa nya na uri ng mga damit. Wala syang patawad. Tinapon nya yung mga ginagamit ko pero pinalitan nya naman ng bago na hindi ko alam kung damit bang matatawag dahil sobrang iikli at halos karamihan sa mga iyon ay kita na ang kaluluwa. Mukhang nakalimutan ni saltik na ako ang magsusuot ng mga damit at hindi sya.

"Aanhin mo ba 'tong mga 'to? Hershey naman! Panahon pa ng lola ko ang mga pinagsususuot mo. Hindi ka ba napapagalitan ng parents mo dahil unica hija ka nila pero ganito ang mga klase ng damit na pinagsususuot mo? Idagdag pa na kayang kaya nyong bilhin kahit ilang boutique sa Pilipinas pero kung umasta ka, parang mas mahirap ka sa daga eh."

My Lesbian GirlfriendOù les histoires vivent. Découvrez maintenant