Twenty Four

287 15 4
                                    








Violet



Dalawang araw na akong hindi umaalis ng bahay simula nang magresign ako sa Villamontes. Abot abot ang sermon natanggap ko kay Sir Jeron nang malaman niyang umalis ako sa trabaho. Wala naman din kasi akong pagpipilian. Normal na ang takbo ng buhay namin ni Adrian. Kinakausap na niya ako pero pakiramdam ko mabigat pa din ang kalooban ko.
Nakasilip ako sa bintana habang unti unting sinasaklon ng mga kulay abong ulap ang langit. Nagbabadya na uulan.

Mahal?” nagulat ako when I saw Adrian rushing down to stairs. May dala siyang isang extra bag sa kanan balikat niya. Naalala ko na nagpaalam siya na may aatenan siyang seminar sa Batangas for two days.
Maaga siyang susunduin ng shuttle sa may labas ng kanto.

“Nadala mo na ba yon mga bilin ko sayo?” pagpapaalala ko. Tumango siya at mabilis akong hinalikan sa labi.

“Ingat ka. Magtext ka ha.” sabi ko habang nagsusuot na siya ng sapatos sa may tabi ng pinto. “Oo, I promise. Lock the doors okay.” sabi pa niya at binuksan niya ang pinto. He turned to me for awhile at lumapit para yakapin ako.

“Mahal, I love you.” bulong ko sa kaniya and he replied. Hinalikan niya akong muli sa noo. Paglabas niya ng gate, ay naramdaman ko nanaman ang lungkot, ang pag iisa. Napasampal ako sa mga pisngi ko at umiling. Its not the time to get sad.

Naghanap ako ng mga gagawin. Naglista ako ng mga ipapamili ko sa supermarket. Naalala ko na hindi ko na ito nagagawa simula nang maging abala ako sa trabaho. Ayoko din naman iasa pa ito sa asawa ko. Pagbihis ko ay nagbitbit ako ng isang loot bag at payong. Dahil nga mukhang uulan ay hindi ako pupwedeng magkasakit kaya hindi puwedeng magpaulan.

Alas diyes ako nakarating ng SM North. Malakas na ang ulan sa labas na may kasamang umiihip na hangin. Mabuti nalang ay nakarating ako dito kundi basang basa ako at giginawin. Inikot ko muna ang Department Store para sana ibili si Adrian ng necktie.

“Ano kayang magandang kulay?” tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa iba't ibang kulay ng neckties.

Peach.. I like peach..

Nagulat ako sa tila flashback na narinig ko sa tainga ko. It was Gino, na kasama kong mamili dito. I heard his voice. Naalala ko, ako ang pumili ng kulay ng neck tie niya. At gustong gusto niya.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana na mamili. Nilagpasan ko ang mga bilihan ng mens accessories at lumabas na ako para sumunod na pasukin ang supermarket. Nakalabas na sa bulsa ko ang ginawa kong listahan.

Alas-dos na ako lumabas ng supermarket at malakas pa din ang ulan. Walang tigil. Naupo ako sandali sa isa sa mga bakanteng upuan sa may food court. Madaming kumakain at nakatambay. Masayang nagsasalo sa mga pagkain at nagkukwentuhan.

And then there is it again..

Some scenes from the past. Unti unti kong naalala ang mga araw na magkasama kami dito. Kumakain na parang magkaibigan at walang nakasamaan ng loob na nangyari. Pero kailangan na iyong burahin dahil wala iyon idinudulot na maganda.

Nagdesisyon akong tumayo at magtungo na sa exit. Dahil madilim ang langit ay parang alas sais na ng gabi. Hindi ako pwedeng abutan ng dilim sa daan. Adrian might worry. At ayoko nang maging dahilan pa ng kahit anong pag aalala o takot sa asawa ko.

Bago pa man ako lumabas ay narinig ko ang pagtunog ng phone ko mula sa bulsa. Pagsilip ko its a message from Jed.

Ate, andito yon last payslip mo. Pwede mo na daw daanan sabi ni Mam Marika.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon