Thirteen

285 14 0
                                    









Naglalakad na kami patungo sa isang kwarto. Sabi ni April, birthday ng Lolo niya ngayon. At bukas aalis na din ito at doon na maninirahan sa France. Kaya pinagpilitan nito na imbitahan si Gino sa huling pagkakataon.

“Bagay sayo yan dress. For sure Gino will be surprise. Kasi sabi niya you have a bad taste in fashion.” napangisi ako sa narinig. Wala talaga siyang alam kundi asarin ako.

Pagpasok namin sa kwarto ay nagsisimula na ang isang maliit na pagtitipon. Madami ang pagkain pero iilan lang ang bisita. Siguro mga kamag-anak ni April.
Nakita ko kaagad si Gino, na may kausap. Paglingon niya sa amin ay yumuko ako.

Pasimple kong hinihila ang laylayan ng damit ko. Siguro kasi hindi na ako sanay na magsuot ng maigsi. At mas maigsi ito sa mga pangkaraniwan dress na sinusuot ko.

“Wow..” narinig ko si Gino. Nakatayo na siya sa harapan ko at nagkabanggaan ang mga mata namin. He is exploring my dress. At talaga naman napansin ko pa ang pagkagat niya ng ibabang labi habang pinagmamasdan ang itsura ko. Lalo akong nahihiya. Hindi dahil maigsi ang suot ko kundi nakatingin sa akin si Gino.

“Hey, stop making her embarrassed. Go talk to your clients.” pagtaboy sa kaniya ni April. Hindi na siya nakapagsalita pa at napilitan siya na iwan kami. Its a good idea na din, dahil hindi ako makahinga kapag nasa paligid ko siya. Niyaya naman ako ni April na kumain at ipakilala ako sa iilan kaibigan niya.

Nawala sa paningin ko si Gino, kaya't nagkaroon ako ng pagkakataon na ienjoy ang party na iyon. April was very accomodating. Hindi niya ako iniiwan sa kinatatayuan ko, she always dragged me wherever she went para hindi ako ma out of place.

“Here, try champagne.” sabi niya at ikinuha ako sa nag-iikot na waitress ng isang champagne glass. Pagkatikim ko ay agad nagustuhan ko ang lasa. Papalapit na muli sa amin si Gino. Nakaramdam nanaman ako ng hiya.

“April, hinahanap ka ng Lolo mo. Ako na muna bahala kay Kristine.” sabi niya at wala ng nagawa si April kundi iwanan kami. Tumayo sa tabi ko si Gino.

“The party is nice, right?” tanong niya habang nakatingin sa mga bisita. Tumango lang ako.

“You look stunning in that dress..” nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi siya nakatingin sa akin pero lahat ng lumalabas sa bibig niya ay patungkol sa akin.

“S-salamat..” nahihiya pa ako.

“Ngayon lang uli kita nakitang nagsuot ng mga ganyan damit. You should wear some of it sa office.” sabi pa niya. Dati madami akong collection ng mga dresses. Pero non pinagbawalan ako ni Adrian na magsuot ng maiigsing damit, lahat yon tinago ko na at iniwan sa bahay namin sa Cavite.

“Wala na akong mga dress na tulad na sinusuot ko dati.” sagot ko. “Edi, bibilhan kita.” nagulat ako nang marinig iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magtatatalon sa tuwa. Isa lang ang ibigsabihin, masaya ako.

Pagbalik ni April ay nagkayayaan kaming kumain muli. Kasama na namin si Gino, at tumagal pa ito dahil sa kwentuhan. Nakarami ako ng champagne at sumubok pa ako uminom ng whiskey. Kaya halos magkanda gapang gapang ako matapos ang party.

__

Nagising nalang ako non nasa sasakyan na ako ni Gino. Nakasandal na ako sa may front seat pero wala pa siya. Sumilip ako sa labas, I saw him with April.

Nag-uusap sila. I think? ..

Sinilip ko na ang oras mula sa silver wrist watch ko. Its almost, seven of evening. At hindi ako pupwedeng umabot ng alas-diyes sa daan. Tatawag si Adrian sa akin ng ganoon oras. Akma ko sana na buksan ang pinto ng sasakyan. . Nang makita kong hinalikan ni April si Gino. Napatakip ako sa bibig ko at dahan dahan yumuko.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon