Tumigil sa pagtakbo si Violet pagdating niya sa mismong gate ng bahay nila. Nanginginig ang laman niya habang binubuksan ito. Hindi na siya nakapaggrocery pa. Tanging tumatakbo sa isipan niya ngayon ay ilan katanungan kailangan niya ng kasagutan. Hindi pa rin niya magawang maniwala kay Lawrence pero gusto niyang manggaling mula kay Adrian ang totoo. Doon lang ay makakampante siya.
Binuksan niya ang gate at dahan dahan pumasok.
Sa may pinto palang ay naririnig na niya ang tinig ng asawa na may kausap sa telepono. Adrian always talked to someone she didn't know. At kailanman ay hindi nito binabanggit kung sino iyon.“Mahal?” nagulat pa ito nang pumasok si Violet na walang imik sa sala nila. Bahagya niyang ibinaba ang telepono na kanina lang ay nasa tainga niya. “Kanina pa kita hinihintay. Akala ko nag grocery ka...” he paused and noticed na walang dalang kahit isang grocery bag ang asawa.
“Tell me Adrian what is the truth.” matigas niyang binitawan. Nagtataka ito at nilapitan si Violet pero umiwas siya.
“Sagutin mo ako Adrian. Lawrence told me it was a set-up.” aniya at bigla ay kumunot noo ito.
“Nagkita kayo ni Lawrence! That guy who used you!” magaspang na sinabi ng nanggagalaiti na si Adrian. Umiling si Violet.
“He told me everything, hindi ko na alam kung kanino ako maniniwala. Just tell me, Adrian. Ano ba talaga ang totoo!” sigaw niya. Hindi ito nagsalita. Nanatiling tahimik si Adrian habang hinahanap ang mga tamang salita na bibitawan. Dahil maaaring sa isang iglap ay mawala sa kaniya ang asawa.
“What did he tell you?” may kaba at takot sa tono niya.
Gusto niyang sumabog sa inis. Hindi niya akalain magkikita pa ang dalawa sa dinami dami ng pagkakataon. And he didn't expected Violet would have the guts to talked to him. Ang alam niya ay sagad ang galit nito sa binata pero bakit ngayon ay magtatanong ito at makikinig sa sinabi ng taong yon. Did Violet knew something kaya't namumuo na sa utak nito ang ilan katanungan? Whatever reason it is, he wouldn't let Violet go, not now.He sighed.
“Maniniwala ka talaga sa taong iyon kaysa sa asawa mo?” umiling si Violet. “I am asking you, Adrian. Ano ang totoo!” tinabig niya ang baso sa katabing mesa. Nabasag ito at naglikha ng ingay. Hindi siya sumagot. Nanatili siyang tahimik.
“Okay. If you wanna know the truth..” he paused at tumingin sa asawa. “I did everything I could, so we could be together.” unti unti nang naluha si Violet sa sinabi ni Adrian. Hindi siya nagsalita at basta umakyat sa kwarto nila. Naghanap siya ng bagpack at doon ay isinilid ang ilan gamit na kaya niyang bitbitin. Nagmamadali siya sa pagtakbo sa hagdan at hindi man lang nililingon si Adrian. She couldn't stop her tears.
For all she knew, her husband whom she trusts her entire life was the one who betrayed her.Binuksan niya ang pinto.
“I trusted you, Adrian. Pero hindi ko alakain magsisinungaling ka sa akin.” sigaw niya habang dala sa balikat ang bag.“Saan ka pupunta? Pupuntahan mo si Gino at iiwanan mo ako?” may galit na sa pagsasalita niya.
“At bakit anong pakealam mo kung saan ko gustong magpunta!” nanlaki ang mga mata ni Adrian sa isinagot ng asawa. Hinawakan niyang mahigpit ang cellphone.
“You are not going anywhere.” aniya.
*****
10 years ago,
Naglalakad ang binatang si Adrian patungo sa susunod niyang klase. Hindi maalis sa isipan niya ang planong pagsagot ni Violet sa binatang nanliligaw sa kaniya na si Gino. Adrian vows to never love anyone but his bestfriend pero ngayon ay halos abot kamay na ng ibang tao ang iniingatan niyang relasyon sa kaibigan. Sinubukan niyang magsabi sa dalaga ng tunay niyang nararamdaman pero natatakot siyang tanggihan nito kaya't inilihim niya ng mas matagal ang sikretong ito.
BINABASA MO ANG
My Lover, Intruder ✔️
RomanceMasaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang...