Twenty One

288 12 1
                                    







Tahimik lang ako habang pinagsasaluhan namin dalawa ni Adrian ang mga pagkain inorder niya.I'm still worried about what happened earlier. Wala ng imik ang asawa ko after we left. Wala na din siyang in-open topic tungkol kay Gino.

“Um. Adrian..” binaba ko ang hawak kong kubyertos. “I can leave Villamontes, if you want.” inangat niya ang paningin sa akin at sabay ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko na nanginginig. “You need to calm down. Hindi naman ako galit.” aniya at hinalikan ang kamay ko. “In fact, papayagan naman kitang magtrabaho doon, if its about your promotion.” hindi ako makapaniwala sa naririnig. Hindi siya galit kahit alam niyang si Gino ang boss ko.

“Kahit nandoon si Gino?” habol ko pa. He tried to remain that smile. “Oo naman. Ano pa bang magagawa niya sa atin? We are already married.” huminga ako ng malalim. Natutuwa ako dahil hindi man lang nagalit sa akin si Adrian. He really understands me. Kahit naman noon pa siya na ang umintindi sa akin. “Your loyalty is still mine diba, Mahal?” nagulat ako sa tinanong niya. At walang kamalay-malay akong tumugon. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin doon pero tama siya. Dapat alam ko na ang lumugar. Baka naman Gino needs space to move on at palagi akong nandiyan kaya hindi niya magawa at naghahabol pa din siya. I should give him a proper answer. Kailangan na niyang tumigil.

Masaya na ako with Adrian.

Masaya nga ba?
Isang tanong na pilit nagsusumiksik sa isipan ko habang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na masaya na ako. Kung sigurado na nga ba ako sa isang bagay, bakit may kailangan akong pagdudahan?

Umuwi kami ng alas-otso ng gabi. May ilan pa kaming pinamili na mga bagong gamit sa bahay at ilan dress na isusuot ko pamasok. May ilan kasing nasisira na sa kakalaba ko at kakapaikot sa washing machine. Ayoko lang gumastos kami sa damit ko kaya tinatahi ko ang iba. Pero si Adrian nahuhuli ako minsan at pinagagalitan.

Sumunod ako sa asawa ko paakyat sa kwarto matapos kong ibaba sa kusina ang mga grocery bags. Binalak ko na maligo dahil mainit na mainit ang pakiramdam ko. Paghinto ko sa tapat ng pinto na nakaawang, nakita ko si Adrian na binuksan ang isang uri ng safety box na mukhang galing sa closet niya. Hindi ko pa nakikita ang safety box na iyon na binuksan niya sa harapan ko. Siguro ay doon niya tinatago ang mga importanteng papeles namin at pera. Hindi naman kasi ako mahilig magtanong at makealam lalo at gamit ni Adrian.

I respect our privacy. Iyon ang tinuro ni Mama sa akin isang araw bago ako ikasal, para maiwasan ang pagdududa at pag-aaway. Gusto kong maging mabuting asawa tulad ni Mama.

Hindi na muna ako tumuloy at sinarado ko ang pinto.

*****

Alas-sais y media na ako bumangon ng kama. Pagkapa ko sa katabi ko ay unan nalang ang nahawakan ko. Mukhang maagang bumangon si Adrian. Hindi tumunog ang alarm clock. Kaya late nanaman ako kung magising. Bumangon ako at nagsuot ng tsinelas bago bumaba.

Sa pinto palang ng kwarto, ay naririnig ko na ang dalawang tinig na nag-uusap. Pamilyar ang boses ng lalake sa akin at saka ko lang napagtanto that it was Rejie.

“Rej!” sigaw ko nang matanaw ko siya mula sa hagdan. May hawak siyang tasa ng kape habang nakikipagkwentuhan sa asawa ko. At nagalak siya nang makita ako. Halos magtatakbo ako pababa ng hagdan at saka sinalubong siya ng yakap.

“Namiss mo naman ako masiyado!” aniya Rejie at hinimas ang ulo ko. “Ngayon ka lang dumalaw!” sigaw ko at bahagyang natawa siya. Lumapit sa akin ang asawa ko at hinagkan ako sa noo bago abutan ng isang tasa ng gatas. Kumulot ang noo ko dahil hindi kape ang ibinigay niya sa akin.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon