Thirty Two

334 14 1
                                    



Violet,

Nagising ako sa pagkalansing ng kadena mula sa paa ko. Pag dilat ng mga mata ko nakita ko kaagad si Adrian na nakaupo at sinusuotan ako sa paa ng sandalyas. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at bahagya ko siyang nasipa.

Don't move!” galit na sinabi niya at sabay hinawakan ako ng mahigpit sa paa. Why is he trying to put my sandals? Saan niya ako dadalhin?

Wag mo akong hahawakan!” inis kong sigaw pero agad niyang hinila ang kamay ko. “Saan mo ako dadalhin?” hindi siya sumagot at basta itinali ang kamay ko.

“We need to leave.” aniya at binuksan ang pinto. Nakaramdam ako ng ginhawa sa mga binti ko at nang makita ko ang bukas na pinto ay isa lang ang naiisip ko.

Takbo! Sigaw ng isipan ko.

Pagkabitaw niya ng doorknob ay wala akong sinayang na oras. Buong lakas ko siyang itinulak hanggang sa matumba siya. Now I got a chance to run. Pagewang gewang pa ako sa pagbaba ng hagdan.

Where is the door?

Pakiramdam ko na sa isang psychological thriller movie ako. May humahabol sa akin na gusto akong patayin. Wala akong ibang choice kundi tumakbo. At humingi ng tulong. Nakita ko ang pinto mula sa kusina, nakabukas iyon kaya doon ako nagtatakbo.

Violet!” nangatog ang mga tuhod ko nang marinig ang nakakagimbal na sigaw ni Adrian. He's back to himself. Nagmamadali akong tinanggal ang tali sa kamay ko. At binuksan ang gate. Nagkakaripas ako patungo sa kalsada. Pawisan ang buong katawan ko. Siguro ay dahil matagal akong nanatili sa silid na iyon. Para ngang hindi ko na alam tumakbo at lumakad. Hindi ako makatakbo ng mabilis. At wala akong makita na pupwedeng hingan ng tulong.

Hindi ako makasigaw para humingi ng tulong dahil alam kong nandiyan lang si Adrian. Huminga ako ng malalim, natutuyo na ang lalamunan ko at sumabay pa ang matinding lamig ng gabi. Tanging suot ko ang shorts at isang tshirt na isinuot sa akin ni Adrian non tinabig ko ang pagkain sa harapan niya.

I can't run much longer. Kailangan kong tumigil.
Bahagya akong bumagal sa pagtakbo. Sinalo ng mga tuhod ko ang mga kamay ko na hingal na hingal sa paggalaw. I am sweating all over my body. Nakakadiri ang pakiramdam, pero hindi ito ang oras para mag inarte. Anytime soon, Adrian will..

“I got you!” I gasped in shock as Adrian pulled me from my waist. Sinubukan kong kumawala sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin pero ubos na ang lakas ko.

Bitawan mo ako!” sigaw ko sa kaniya at sabay idinikit sa bibig ko ang isang duct tape. Nagpumiglas ako pero hindi na kaya ng natitirang lakas ko ang manlaban pa sa kaniya.

Wag ng matigas ang ulo!” galit niyang sigaw at lumapag sa kanan pisngi ko ang isang malakas na sampal. Naluha ako sa hapdi non at naisip na magagawa pala ni Adrian na saktan ako kahit na lagi niyang bukam bibig na mahal niya ako.

Hindi ko maiwasan lumuha ng lumuha habang bibit niya ako mula sa balikat niya. I never thought that I deserve this kind of feeling. Kung sana ay namatay nalang ako noon sa pagsubok kong magpakamatay. Hindi ko ito nararanasan. Pero huli na, kahit papaano gusto kong makita si Gino.

Pumikit ako. Unti unti nang hinihila ng pagod ang mga mata ko.

Kristine!” gumuhit ang ngiti sa labi ko. I just heard Gino's voice. Tinatawag niya ang pangalan ko like yesterday.

Kristine!

Paulit ulit ito. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko at laking gulat ko nang makita ang hulma ng isang lalake sa dilim. Nakatigil siya mula sa kinatatayuan at ganoon din si Adrian. Humawi ang mga maiitim na ulap hanggang sa lumabas ang maliwanag na buwan. I saw its face.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon