Nakayuko lang ako sa mesa habang hinihintay ang pagsapit ng lunchbreak. Napakasipag ko kasi dahil natapos ko ang ginawa kong column. Wala tuloy akong choice na maghintay ng break time.
“Guys!” nagulat kami nang tawagin kami ni Ate Marika. Nakasilip siya sa pinto ng opisina niya.
“Wag na kayo bababa for lunch ha. Kasi may mga dalang pagkain yon darating na client ni Gino.” nagtaka ako kung sino yon.
“Yes! Makakalibre!” excited na sinabi ni Jed. Hindi naman siguro si Rosette iyon dahil hindi naman niya ugali na maging mapagbigay.
“Nako, maybe its Ms. April.” narinig ko si Mam Janna. Sino si April? “Sino yon Mam Janna?” nagtanong agad si Jed. “Matagal na kliyente ni Sir Gino. Mas mabait yon kaysa kay Rosette.” at tumawa siya.
“Yeah, mabait na maganda pa.” dugtong naman ni Sir Leo. Mukhang kilalang kilala nila ang April na iyon. Hindi naman pagalit kung magsalita si Ate Marika kaya for sure gusto din niya ang taong yon.
At dahil hindi na kami bumaba for lunch. Naghintay nalang kami sa pantry. Maya maya, may mga pumapasok na tauhan na may mga dalang bila-bilaong pagkain.
“Wow.” bungad agad ni Jed nang ilapag ito sa mesa namin. Madaming pagkain, pang fiesta.
“Para po sa inyo yan.” magalang na sinabi ng babaeng may dalang pagkain. Pagkaalis niya, sinimulan namin pagkaguluhan ang mga pagkain.
“Iba talaga si Ms. April no. Galante kung manligaw.” aniya Sir Leo. “Ha? Manligaw?” lumingon sa akin si Mam Janna.
“Oo. Matagal na yan nanliligaw kay Sir Gino. Iba din kasi itong Boss natin. Siya ang nililigawan.” pabiro niyang sagot. Hindi na ako magtataka kung bakit madami ang nagkakagusto sa kaniya.
“Talaga..” napatingin ako sa mga pagkain. Pakiramdam ko nawalan ako ng gana.
“Ayaw mo kumain, Ate?” nag-aalala si Jed. “Ha. Kakain ako.” mabilis ko naman sagot. Bakit ba ako biglang nalungkot? Hindi ba dapat masaya ako dahil baka ang Ms. April na iyon ang bagay kay Gino. Magkaibigan nga kami diba?
Tinikman ko lang ang palabok at baked mac na nakahain. Matapos non, bumalik na ako sa mesa ko para simulan ang susunod na column na gagawin ko.
“Salamat Gino pinaunlakan mo yon imbitasyon ni Lolo sa Sabado.” narinig ko ang mahinhin at manipis na tinig ng isang babae. Yumuko ako, kunwari hindi ako nakikinig.
“Wala yon. Alam mo naman si Lolo, kapag wala ako for sure, magtatampo yon.” biro pa ni Gino. Nakita ko silang nagtatawanan habang papalabas sila sa opisina. Masaya si Gino na kausap siya.
Naninikip ang dibdib ko. Para bang hindi ako makahinga sa ideya na iyon. Bakit ganito?
__
Alas-sais na ako nakatapos sa mga trabaho ko. Naisave ko na sa isang flashdrive ang dalawang column na ginawa ko. Mag-isa nalang ako sa opisina. Maaga nag-out si Sir Leo dahil may pupuntahan siyang birthday. Habang sabay lumabas sina Jed at Mam Janna kaninang alas-singko.
Nagliligpit na ako ng gamit, nang makita kong lumabas si Ate Marika sa office niya.
“Oh, nandito ka pa Violet?” gulat niyang tanong. Tumango ako. “Pero uuwi na din ako.” sabi ko pa at kinuha na ang bag ko.
“Sama ka sa amin nina Gino. Lalabas kami for dinner.” nabitawan ko ang bag ko. Sabi ko na nga ba, mag-aaya si Ate Marika.
“Ha.. Eh, baka magalit pa si Gino.” sabi ko at nagmamadali na ako.
BINABASA MO ANG
My Lover, Intruder ✔️
RomanceMasaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang...