Kumaway ako nang makita si Adrian na hila hila ang trolley na pinaglalagyan ng isang maleta niya at isang kahon na mukhang kasama niyang inuwi. Napakabilis ng tatlong linggo pero pakiramdam ko ay matagal siyang nawala. Pagkakita niya sa akin ay lumapit siya agad. Nakangiti siya at niyakap ako.
“I missed you Mahal.” sabi ni Adrian at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. I really missed his presence. Walang nagluluto sa bahay o sumasalubong sa akin pauwi. Wala din nangungulit sa akin. Pagkapikit ko, ay naalala ko ang yakap ni Gino sa akin. Mabilis akong bumitaw na ikinagulat ni Adrian.
“Bakit Mahal?” nagtataka ang asawa ko. Kinuha ko ang dala niyang sling bag. “Wala. Let's get you home. Alam ko pagod ka.” sabi ko nalang at hinila siya. Ibinigay ko sa kaniya ang susi ng kotse habang pinagtulungan namin isakay ang mga dala niyang gamit at ilan pasalubong.
“Kamusta sina Mama tsaka yon death anniversary ni Tatay?” pambungad niyang tanong nang makasakay kaming pareho. Sandali kong sinarado ang pinto at binaba ang phone ko.
“Okay naman. Hinahanap ka nila.” sagot ko at sabay ngumiti siya. “Babawi nalang ako sa kanila.” aniya pa bago siya magsimulang magmaneho. Gusto ko sanang banggitin na kay Adrian ang tungkol sa Villamontes. Pero hindi ko alam kung kailan tyetyempo. Pagod siya ngayon, at magpapahinga. Tapos kinabukasan, may pasok na ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag. Natatakot ako na magalit siya.
Nakaramdam ako ng antok nang makadaan kami sa Cubao. Traffic na ng alas-diyes ng umaga at sumisikip na ang mga kalsada. Napansin kong nakatanaw si Adrian sa labas ng kotse. Doon nakatingin sa halos kaharap namin billboard site sa tapat ng Cubao Station ng MRT. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Its an advertisement of Villamontes, kitang kita ko ang mukha ni Gino with the caption of “The Future of Villamontes”. Ayokong magpahalata kay Adrian na nagulat ako sa nakita. Inuunahan na ako ng halo halong takot at kaba. Pinagpapawisan nga ako kahit alam kong kulob kami sa aircon ng kotse.
“Gino is so popular na? Hindi na siya maabot.” may lamig at tila inis sa magaspang na tono ng asawa ko. Sabay tumingin siya sa akin na may pekeng ngiti. Hindi ko mabasa ang pinapakita niyang iyon pero alam kong nakakatakot. He's never been mad or felt aggravated to someone. Hindi ko pa siya nakitang magalit. At natatakot ako sa ideya sa kung paano siya magpakita ng inis at poot sa isang tao.
“Oo nga.. Akalain mo yon.” sinabayan ko ng tawang paurong ang sagot ko. Huwag lang niyang mapansin na alam ko ang tungkol don. Umusad ang sasakyan namin. Tamang tama para umikot kami ng daan at iwasan ang traffic. Parang nakahinga ako ng maluwag nang hindi na namin napag-usapan pa si Gino. Pero alam ko na mas dadami pa ang pagkakataon na mababanggit at mababanggit ang pangalan niya.
Pagkadating namin sa bahay, ay pinagtulungan namin ipasok sa sala ang mga maleta na inuwi niya. Ibinagsak niya ang katawan sa sofa, bago pa man siya magpalit ay nakatulog na siya.
Binuksan ko ang brown na maleta at tinanggal ko doon ang mga damit na binaon niya. Kumuha ako ng laundry basket sa kusina at doon iyon inilipat. Nakatanaw lang ako kay Adrian mula sa kusina. Pagkaraan, ay inakyat ko sa kwarto ang mga malilinis na damit. Naupo ako sa kama at naramdaman ko ang malakas na vibration sa cellphone ko. Pagdukot ko sa bulsa, nabasa ko kaagad ang pangalan ni Mam Janna sa lockscreen.
Violet, pakidala yon iniwan kong report sayo last friday. May meeting daw bukas sabi ni Mam Marika.
I thought it was a text from Gino. Simula kasi nang ihatid niya ako sa Cavite at yon huli namin pag-uusap ay hindi na siya nagparamdam. But the last words he told before he leaves ay hindi ko naman makalimutan. Paulit-ulit sa isipan ko. Rewind tape palagi at kung saan saan ko naririnig.
BINABASA MO ANG
My Lover, Intruder ✔️
RomanceMasaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang...