Twenty Seven

303 13 7
                                    



Huminto ang sasakyan ni Gino sa tapat ng gate ng bahay nina Violet. Alam niyang naroon ang dating nobya. Gusto niyang makita ito at pilitin sumama sa kaniya. Wala na siyang pakealam kung maiwanan niya ang Villamontes. Ang mahalaga ay magkasama silang dalawa.

Humigpit ang hawak niya sa manebela. Hindi niya inaalis ang tingin sa labas ng bintana. Nagbabakasakali na baka lumabas si Violet, pero halos nagtagal na siya ng dalawang oras ay wala siyang nakita. Nagdesisyon na siyang umalis at ipagpabukas nalang ang paghihintay dito. Tamang tama naman ang pagdating ng isang kotse sa harapan ng gate. Bumaba agad si Adrian dala ang mga gamit niya. Kumatok siya ng malakas para marinig ng asawa niya.

Violet open the gate. Halos nagtaka pa siya sa maagang pag uwi ni Adrian.

“Mahal? Ang aga mo.” ikinagulat ni Violet ito. Akma niyang kukunin ang dala nitong bag at bigla biglang lumapag sa kanan pisngi niya ang malapad na kamay nito. Sa lakas ng hapit nito ay nawalan siya ng balanse at halos mapaupo siya.

A-Adrian!” iyon lang ang lumabas sa bibig niya. She didn't expected that Adrian would hurt her. Namuo ang mga luha sa mga mata niya. At sinalo ng mga kamay niya ang namumulang pisngi. 

“How dare you to cheat on me! Minahal kita Violet with all my heart. I thought you were loyal to me.” nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Did Adrian knew na may nangyari sa kanila ni Gino? How could he? Wala siyang pinagsabihan.

“A-I'm.. I-I'm sorry..” bumuhos ang luha niya. Ibinato ni Adrian ang mga dalang gamit at pinagsisipa ang mga paso ng halaman. Nagsibasagan ito at nagkalat ang mga lupa at sirang bulaklak na inaalalagaan ni Violet.

“Tama na please. I'm sorry Adrian!” pigil sa kaniya ng asawa at niyakap niya ito sa beywang. Pilit niyang inaawat ito sa pagwawala.

“Pinagkatiwalaan kita Violet!” sigaw niya at saka sumuntok ng sumuntok sa matigas nilang pader hanggang sa magdugo ang mga kamao niya. Lalong nakaramdam ng takot si Violet at pinilit pakalmahin ang asawa.

“I know. That's why I stopped seeing him. Kasi ikaw ang mahal ko. Please. I'm sorry..” bulong niya at nawalan siya ng lakas sa pagkapit niya sa beywang nito. Napaluhod siya at humagulgol sa iyak. Alam niyang kasalanan niya kaya't abot abot ang paghingi niya ng tawad kahit alam niyang hindi magiging madali ang pagpapatawad sa kaniya ng asawa. At tinatanggap niya ang pagsampal sa kaniya nito. Kulang pa nga ito sa ginawa niya.

Bumuntong hininga si Adrian. Sinapo niya ang noo at lumapit sa nanghihinang asawa. Kinalong niya ito sa mga bisig.

“Mahal na mahal kita Violet, that's why I did all of this.” sabi niya dito na parang may malalim siyang pinanggagalingan. Pakiramdam niya ay hindi siya handa na sabihin pa dito ang totoo. Pero kung gumawa man ulit ng paraan si Gino na makuha siya ay ipaglalaban niya ito kahit magkamatayan sila.

Dahil ang pagmamahal niya dito ay hindi basta basta nasusukat ng pagtitiwala. He could kill for his love.
He could do anything, he could lie and make Violet believe that the only one she needs to trust is him.

*****

Dumating si Gino na tila magulo ang isip. Natatakot siya na baka totoo nga ang ibig sabihin ni Violet sa bigla niyang pag-alis.

That night was their last.

He rests himself. Nakatingin lang siya sa umiikot na ceiling fan sa loob ng opisina niya. Habang tambak naman sa kabilang bahagi ng mesa ang mga dokumentong dapat niyang pirmahan ngayon araw. He couldn't take off his mind about Violet. Nag-aalala siya and at the same time ay nakakaramdam ng kakaibang takot.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon