Twenty Six

306 14 3
                                    


Nagising si Gino dahil sa pagtapik sa kaniya ni Marika. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya ang kapatid na may hawak na tasa at naka dekwatro sa pag upo. Mataas na ang sikat ng araw na siyang tumatama sa mga mata niyang pagod na pagod.

“What are you doing here this early?” tanong niya na parang may nakalimutan. Bumuntong hininga si Marika at saka hinagis ang isang tshirt.

“I don't know what you did but you were naked when I came here.” aniya at sabay tumalikod. Nagulat si Gino sa sinabi ng kapatid at sinilip ang hubad niyang katawan na takip lang ng polo shirt niya. Natigilan siya at naalala si Violet.

“She's gone..” sambit niya. Nagtaka si Marika sa sinabi. “What do you mean she's gone. Did you took a woman in here? Dito pa talaga sa office mo?” galit na tanong sa kaniya ng kapatid. Umiling iling siya. Bago pa man siya sumagot ay napansin niya ang isang papel sa ilalim ng upuan. Pinulot niya iyon and saw Violet's name on it. Binuksan niya ang sulat.

Thank you and I'm sorry.” iyon ang laman ng sulat. Napatingin si Gino sa kapatid na naghihintay ng sasabihin niya.

“What is it?” yumuko ang binata at saka ibinulsa ang papel. “Violet was here yesterday.” sabi niya. “She told me she loved me but she's gone now.” aniya at napatingin sa malayo. Lumapit sa kaniya si Marika at tinapik ang balikat ng kapatid.

“Hindi mo masisisi si Violet, pakiramdam niya sa sarili niya ngayon nagtaksil siya sa asawa niya. At wala tayong maitutulong.”

“Pero Ate, I loved her. Kung kinakailangan ko siyang ilayo kay Adrian. Gagawin ko.” matigas niyang sinabi at nagsuot ng tshirt.

“Sigurado ka ba talaga diyan sa papasukin mo? Hayaan mo si Violet ang magdesisyon! Dahil kung bumalik siya ulit sayo then it will be her final decision.” hindi alam ni Gino ang sasabihin. Natatakot siya sa ideyang kaya hindi nagpaalam sa kaniya si Violet ay dahil iyon na din ang huli nilang pagsasama. Gusto niyang magalit sa sarili, dahil sa wakas ay inamin nito sa kaniya na mahal pa siya ng dating nobya. Pero ang katotohanan nakatali na ito sa ibang lalake ang pilit sumasampal sa kaniya na hindi na sila maaaring magkaroon ng ugnayan pa.

Hindi na nila puwedeng patungan pa ng pagkakamali ang isa pang pagkakamali.

Nagpatimpla si Marika ng isa pang kape kay Janna. Nakapagbihis na si Gino habang lutang pa siya sa pag-iisip. Walang ibang magawa si Marika kundi panoorin ang kapatid. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isipan nito. Natatakot siyang madawit ito sa isang gulo. Villamontes can't afford a scandal. Lalo pa ngayon nagsisimula silang makilala sa industriyang kinabibilangan nila.

Everyone wants a partnership with them. Imperial, and Alejo.

“What are you thinking?” tanong ni Marika sa kapatid. Umiling ang binata at saka hinigop ang mainit init na kape. Napansin sila ni Janna na halos kalalabas palang ng pinto. Ramdam niyang may kakaiba sa boss nila. Maingat siyang lumiban ng kwarto at nagtuloy sa opisina nila. Naupo siya tabi ni Leo na tahimik at focus sa trabaho.

“Something seems unusual.” bulong niya sa kasamahan.  Lumihis ng tingin si Leo sa computer at inabot ang mug sa kanan bahagi ng mesa.

“Ano nanaman yan nasagap mo?”

“Gino is acting weird. May nangyari ata.” aniya Janna na narinig naman ni Jed mula sa kabilang cubicle. Lumapit siya sa dalawa.

“Hindi niyo ba naabutan si Ate Vi dito kahapon? Sabi ko kunin niya yon sahod niya dito sa office e.” nanlaki ang mga mata nina Leo sa narinig at nagkatinginan sila.

“So that explains everything.” parang nakadiskubre ng sikreto si Janna sa tono niya. Bumuntong hininga naman si Leo.

“Kawawa sina Gino at Violet. Naiipit sila sa mga ganyan desisyon. Why just let them be happy.. ”

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon