Five

383 15 0
                                    










Tumatakbo ako patungo sa parking lot nang malaman kong susunduin ako ni Adrian. Humahampas sa beywang ko ang body bag na dala ko. Wala akong balak ipaalam sa kaniya na bukas ay iba na ang workplace ko. I don't want to cause Adrian any troubles. Lalo na ngayon na masiyado din siyang abala sa trabaho.

“Let's have dinner outside.” sabi niya nang makasakay ako ng kotse. Binaba ko ang dala ko sa may backseat.

“Talaga? Aba.. May goodnews ka ba at bigla kang nag-aya na kumain?” nakatawa kong tanong sa kaniya. Nakangiti lang siya at nagsimulang magmaneho. Hindi niya sinabi ang dahilan bakit siya nagyaya kumain. Tumuloy kami sa isang western restaurant sa Tomas Morato.

Nag order siya ng isang buffet. Pakiramdam ko parang hindi na kami kakain bukas dahil sa dami ng pagkain binili niya. I don't know what's got into him.

“Mahal, ano ba talaga ang meaning ng panlilibre mo ngayon?” curious kong tanong. Hindi na kasi ako mapakali sa ideya na may nagaganap at nag-aya siyang lumabas. Nakangiti sa akin ang asawa ko, he seems excited.

“I was promoted Mahal. At kasama ako sa Singapore to attend a management training.” nagulantang ako sa narinig. This is what he dreamed of.. Ang maging candidate for a higher position. Parang sunod sunod ang swerte namin ngayon.

“Really! That's a big news.” tuwang tuwa ako at napatayo sa kinauupuan ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinagkan sa labi. His effort paid off at napakasaya ko because he deserves it.

“I was in shock pa din, Mahal. Kaya lang...” he paused and look worried. Alam ko ang ipinahihiwatig ng mga mata niya. “Maiiwanan kita dito, Mahal. I'll be gone for weeks. At mag-isa ka lang dito.”

Ngumiti ako. He still worries.

“Ano ka ba, hindi naman ako mapapano dito. At isa pa, hindi mo pwedeng tanggihan yan.” sabi ko at saka hinawakan ang mga kamay niya. “Don't worry, ilan weeks ka lang naman mawawala. We could call each other every once in a while.” hindi to ang oras para pigilan ko siya, its our jobs that matter the most. Like Jed said, kailangan ihiwalay ko ang trabaho sa personal na buhay.

“I know Mahal. Kaya lang walang gigising sayo or make your breakfast. For sure, mangangayayat kana naman niyan after I'm gone.” tumataba na nga ako sa masasarap na pagkain niluluto niya.

“Grabe ka sa akin, Mahal. Don't worry mas maaga pa ako sayo gigising.” biro ko at natawa kaming pareho. Lumapit sa amin ang isang food server at inayos ang mga pagkain inorder ni Adrian. Its like a despedida.

Nalulungkot ako sa ideya na mawawala sa tabi ko si Adrian ng maikling panahon. At natatakot sa pag-iisip that Gino is just out there.

“Mahal, nabalitaan mo ba na, Gino just came back.” halos mabulunan ako sa kinakain. Did Gino called him? Nagkita na kaya sila. Sari saring scenario ang tumatakbo sa utak ko. Nakakapraning.

“T-Talaga.. K-Kailan pa?” hindi ako makatingin kay Adrian habang nagsasalita siya.

“Well, some of our classmates told me. Nakipagkita daw si Gino sa kanila, kamakailan lang. Hindi ko akalain, na babalik pa siya.” His tone changed. I knew it. Hindi talaga magandang ideya na banggitin si Gino.

“Mahal, I know Gino.. At alam kong kilala mo din siya.” anito habang nakatingin sa iniinom. “Please, ayokong magkaroon pa ng ugnayan sa kaniya.” pakiusap niya. Alam ko naman na manggagaling sa kaniya iyon. Kahit naman ako ayoko na, tapos na lahat sa amin ni Gino.

“Yes, Mahal. Wag ka mag-alala. What matters to me is our growing family.” sambit ko at gumaan ang pakiramdam niya. Ngumit siya at kinuha ang palad ko at saka hinalikan.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon