“Is that Sir Gino? Sino yon babae?”
“Did you heard the woman said? Mukhang mag-ex sila. Naghahabol pa ata si Sir Gino?”
“My god, dito pa sila mag eeskandalo. He was shut out.”
“Naninira ng pamilya. Is that the Villamontes CEO? how could he do that? Everyone respects him.”
Ilan lang sa mga samo't saring bulungan naririnig ni Gino pagkatapos siyang iwan ni Violet. Hindi siya makagalaw ng maayos sa kinatatayuan. Malinaw sa pandinig niya ang mga sinabi ng dating nobya.
TAMA NA GINO! Tigilan mo na itong kahibangan na to'.
Paulit ulit, parang sirang plaka. Mali ba talaga ang ginagawa niya? Mali ba niyang ipaglaban ang isang bagay na noon ay isinuko niya. Ngayon at alam na niya ang tunay na hangarin, ngayon pa ba siya susuko?
Mahirap lumaban ng mag-isa. Para kang sumusugod sa gera na walang armas at tanging pagpipilian lang ay sumuko o kamatayan.Susuko o kamatayan?
Yumuko si Gino at iniwan ang kahihiyan idinulot sa kaniya. Lumabas siya ng gusali at nagtungo sa parking lot. Hinanap niya ang kotse, pagkakita niya sa nakaparadang puting Montero Sport ay mabilis siyang sumakay. Nakalimutan niyang ito ang dala niyang sasakyan kaninang umaga. Pagkasarado niya ng pinto, napuno ng katahimikan ang paligid na kanina lang ay maingay sa mga bulungan at pangungutyang naririnig niya.
“Aaaaaargh!” sigaw niya at hinampas ang manebela. Tumalsik sa likod na upuan ang phone niyang tumama sa salamin at nagkaroon ng lamat sa screen nito. Nag automatic off ito.
Pinipigilan ni Gino ang pagpatak ng luha. Hindi man siya sinampal ni Violet kanina ay pakiramdam niya ang mga salita nitong binitawan ay hindi lang sampal ang katumbas. Kundi parang isinuka siya ng babaeng pilit niyang ipinaglalaban.
Is seven years was just a waste of time?
Kinapa niya ang susi sa kanan bulsa. Hinarurot niya agad ang sasakyan palabas ng parking lot. Hindi niya alam saan magtutungo, mananahimik ba siya o magwawala. Dahil ngayon walang paglagyan ang nag uumapaw na galit at selos sa sarili niya ngayon. If he could just killed someone ay gagawin niya, pero duwag siya. At ang kaduwagan na iyon ang dahilan din kung bakit nawala sa kaniya si Violet.
“Gino!” sumigaw at tumigil sa pagtakbo si Marika nang di na niya abutan ang sasakyan hinarurot ng kapatid paalis sa lugar na iyon. Nagmadali siyang habulin ito nang umabot sa kaniya ang balitang nagkabanggaan sina Adrian at Gino sa lobby. Napakabilis ng balita, papalabas palang siya ng Marketing Department matapos niyang magpameeting sa mga staffs. Ay nakarinig na siya ng mga nag uusap na empleyado sa elevator kung saan siya sumakay.
Alam ni Marika na hindi niya kayang pigilan ang kapatid. Pero ngayon masama ang loob nito ay alam niyang sila lang din ang pupwede nitong sandalan. Wala ng ibang makakaintindi pa kay Gino kundi siya.
Inilabas niya ang phone sa isang bag at paulit ulit idinial ang numero ng kapatid. Pero naka off ito at walang sumasagot.“Tsk, Gino naman. Saan nanaman kita hahanapin!”
inis niyang sambit at bumalik sa loob ng Villamontes.*****
Nakatingin lang si Violet sa isang blankong document file sa laptop niya. Hindi niya alam papaano sisimulan itype ang resignation letter niya. Tulog na si Adrian sa kwarto nila at hindi pa din sila nag-uusap dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
My Lover, Intruder ✔️
RomanceMasaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang...