Gumaan ang pakiramdam ko knowing that Ate Marika will supervised us for a short period of time.
“Coffee po nandito na.” sabi ni Jed saka ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa mesa. Bumalik siya sa inuupuan niya habang nagbabrowse sa cellphone niya. Habang magkaharap kami ni Ate Marika at nagkukwentuhan. She invited us to her office.
“Hindi ko akalain na ikaw yon tinutukoy ni Gino. If I know, ako pa susundo sa inyo sa Manulife.” masaya niyang wika. Ngumiti ako. She's been kind to me eversince, at natutuwa ako na hindi siya nagbago. Despite of what happened.
“Ako nga din, Ate. Sabi ko na ikaw yon e. Kanina pa kita tinitignan.” sabi ko at humigop sa tasang hawak ko.
“But, Gino said you were already married? Totoo ba?” she sounded disappointed. Tumango ako then she sighed. “Akala ko pa naman kaya babalik si Gino because he wants to reunited with you. Ayon pala, huli na.” inis niyang sinabi. Pinilit kong ikinukubli sa mga ngiti ko ang mga pagtatanong na yon.
“Samantalang hindi siya nag-asawa or girlfriend man lang kasi akala ko he is saving it for you. Tapos nag-asawa kana pala. Sayang naman.” pag ulit niya. Alam ko na siya ang unang unang manghihinayang sa relasyon namin ni Gino. Siya din kasi ang unang nagsabi noon, na susuportahan niya kaming dalawa.
“I bet naman, that Gino is happy now with the life he has.” sabi ko.
“Happy? Gino? You got it wrong, Violet. Because..” naputol siya sa pagsasalita nang makita namin ang isang lalakeng nakatayo sa may pintuan.
“Hindi ko kayo binabayaran para makipagkwentuhan lang.” nagulat ako when Gino spoke and sounded aggravated. Napatayo agad si Jed sa padekwatro niyang pagkakaupo.
“Hey. I just welcomed them kaya nandito sila sa office ko. Don't be so strict.” pakiusap ni Ate Marika. Naiilang ako sa gitna nilang dalawa. Tumayo ako at yumuko bilang paghingi ng tawad. I should be professional.
“Sorry. We won't do it again.” sabi ko habang nakaharap sa kaniya at saka lumipat ang tingin ko kay Ate Marika. “Mauna na po kami.” paalam ko , then Jed and I exited the room.
Paglabas ng kwartong iyon, pakiramdam ko nakahinga ako sa pagkakalunod sa sarili kong hangin. The aura was intense. Siguro dahil sa pinapakitang presensya ni Gino. I've never seen him mad like that before. Akala ko nga hindi na darating sa punto na makikita ko siyang magalit. Dahil hindi siya marunong magalit. He always had this long string of patience na parang hindi nauubos. At ngayon kasing bilis ng nauupos na sigarilyo nalang ang pagtitimpi niya.
How did he changed like that?
__
“That is absurd.” wika ni Marika sa nakababatang kapatid. Lumihis ang tingin ni Gino sa pinto para silipin kung may nakikinig pa. At saka pinakawalan niya ang mabigat na dinadala.
“I need to do that.” matipid niyang sagot. “For what? Para matakot sayo si Violet?” Marika begin to raise her voice.
“Ate, if you just saw how Kristine looks at me. Ibang iba na.. I don't think mababawi ko pa siya..” may lungkot na pahiwatig ang mga sinabi ni Gino. Bumuntong hininga si Marika at nilapitan ang kapatid.
“Hey.. Wag kana man sumuko.. Sumuko kana noon diba? Hindi mo pa ba siya ipaglalaban ngayon?”
“Madaming ng bagay ang nakatanim sa utak niya ngayon. White lies that totally changed her love into hatred.” saad niya sa magaspang na tono.
“Yes.. Pero hindi kaya nitong bulagin ang isang pagmamahal na noon palang ay nakatanim na.” sabi pa ni Marika at itinuro ang kaliwang bahagi ng dibdib ng kapatid.
BINABASA MO ANG
My Lover, Intruder ✔️
RomansMasaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang...