7 years later,
“Mahal, handa na ang breakfast mo. Wake up! You'll gonna be late again!” I heard Adrian's voice like its my alarm clock. Ewan, but lagi nalang akong late gumising. Maybe because of stress, at dahil peak season na. Its end of October kaya't may monthly audit nanaman kami. Hindi ko pa tapos ang daily record ng inventory. At hanggang sa makauwi ako last night, I forgot to finish it.
“I'm awake..” matamlay akong bumangon sa higaan. Saka bumaba sa hagdan wearing my pajamas. Pakiramdam ko gusto kong gumapang papuntang kusina. I smelled the bacons and eggs na niluluto ng asawa ko. He never fails being a good husband. Pareho na kaming nagtatrabaho yet hindi siya pumapalya sa pag-aasikaso sa akin.
“Hindi ka man lang maghilamos pa.” nakatawa niyang bati at hinagkan ako sa labi. Napangiwi ako at pinunasan ang bibig ko.
“I haven't brushed my teeth. Hinalikan mo agad ako. Amoy panis pa laway ko.” sabi ko at naupo. He just chuckled at binaba sa harapan ko ang bandehadong may sinangag. Bihis na siya ng working suit niya. Nakasampay sa sofa ang blue checkered na necktie niya.
“May meeting ako ng eight. Kaya kumain kana kasi mauuna na ako umalis.” paalam niya at mabilis nilagok ang isang tasa ng kape sa harapan ko. Nagmamadali na siyang iayos ang necktie sa ilalim ng kwelyo ng damit niya. Tumayo ako hinila ko siya.
“Woah, easy naman Mahal.” sabi niya habang tumatawa. Sinimangutan ko siya. “Stop it. Ang pilyo mo talaga.” he smiled and kissed my lips quick. Nagulat ako.
“Goodmorning kiss ang tawag don.” sabi niya saka humalik pa ng isa sa labi ko. Hindi ko na maiwasan matawa. Ganito kami araw araw, biruan sa umaga, lambingan sa gabi. Masasabi ko na maswerte na ako kay Adrian.
Wala na akong hihilingin pa.
I took the taxi at nagpahatid sa Arellano Heights sa West Triangle Quezon City. May bumili kasi ng bagong unit sa subdivision na hawak ko. And they want me to take them for a house tour. I worked two jobs, real estate agent at inventory staff sa isang insurance company. While Adrian is a manager sa isang banko sa BGC.
Magdadalawang taon na kaming nagsasama bilang mag-asawa. No one expected we will end up together.
Adrian was actually my childhood bestfriend, at hindi naman talaga kami ideal couple noon. Para kaming magkapatid. But fate brought us to be together kaya masasabi kong jackpot ako.“Para po. Dito nalang po sa gate.” pakiusap ko sa driver pagkaabot ko ng bayad ko. Nakita ko kaagad si Rica na nasa tapat ng gate ng subdivision. May isa din kotse na nakaparada sa gilid nito so it means, nakarating na ang mga clients namin. Hinugot ko kaagad sa bag ko ang suklay at lipstick. Kailangan kong magretouch bago humarap sa kanila.
“You're late again Vi!” sigaw sa akin ni Rica. Tumawa lang ako. Kailan ba ako naging maaga? Hinila agad niya ako sa braso ko. The clients was too early kaya iniisip niyang late ako.
“Naglovey dovey nanaman kayo ni Adrian bago papasok kaya late ka no?” pabulong niyang tanong. Umismid ako at inagaw ang braso ko.
“Maaga siyang pumasok no. Wag kang assuming.” she chuckled at kinuha ang suklay ko.
“Sayang. Makakabuo na sana kayo.” sunod pa niya. Gusto na namin magkaanak ni Adrian kaya lang sa sobrang abala namin pareho sa mga kaniya kaniyang trabaho, nawawalan kami ng oras para makabuo. And even we have the chance, isa naman sa amin ang pagod.
“Oo nga pala, nabasa mo na ba yon email ni Ryan? Next week na yon Alumni Homecoming no? Pupunta kayo?” nagulat ako sa nabanggit ni Rica. Nakalimutan ko nanaman ang tungkol don. We already received Ryan's email tungkol sa reunion next week. At napagkasunduan namin ni Adrian na pupunta kami pareho.
BINABASA MO ANG
My Lover, Intruder ✔️
RomanceMasaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang...