Nagising si Violet nang maramdaman ang pagbubukas ng pinto. Hindi na niya maalala kung ilan araw na ba siyang nakakulong dito. Nangingitim na ang binti niya na kinabitan ng kadena ni Adrian. Kasabay non ang pagkirot habang pinipilit niyang kumilos o tumayo man lang.
Nakita niya si Adrian pagbukas nito ng pinto. May dala itong twalya sa balikat nito at isang pares ng damit. Pakiramdam niya ay isa siyang hayop, kulong at walang kalayaan. Ni hindi na niya nasisilayan pa ang sikat ng araw.
“I'm getting you change.” matipid niyang sinabi at sabay lumuhod sa harapan ng asawa para hawakan ito. Mabilis na umatras si Violet.
“Don't you dare touch me.” galit niyang saad at hindi inakmang lapitan si Adrian. Nanatili siya sa posisyon niya at hindi ito sinusunod. Bumuntong hininga ito. At sabay na tumingin muli kay Violet. Laking gulat niya ng makita ang makinang na bagay sa daliri nito.
“How did it get there!” tumaas ang tono niya nang makitang muli ang singsing na matagal na panahon niyang itinago. It was from Gino. Ipinadala niya iyon kasama ang isang sulat at dumating iyon dito sa Pilipinas bago ang araw ng kasal nila. He was scared that it may change Violet's decision. Kaya't itinago niya ito kasama pa ng ibang sulat ng binata.
“Violet!” sigaw niya at madaling hinila ang kaliwang kamay nito. Sinubukan niyang manlaban sa ginawa na iyon ni Adrian. “Nasasaktan ako! Ano ba!” bulalas niya kasabay tinabig ang kamay ng asawa at itinulak ito. Huminga siya ng malalim. Pinagpawisan siya agad sa ginawa at pakiramdam ay naubos ang lakas niya.
Nanatiling walang imik si Adrian matapos siyang bumagsak sa pagkakaluhod. Violet learns to fight back, and he's the first one realizes it.
“You really like that ring huh..” aniya sa mababang tinig. Tumingin si Violet sa tinutukoy nito. Maybe because of the ring kaya siya biglang umatake.
“You hid it from me, Adrian. How could you!” inis na sinabi niya. Hinawakan niya ang braso na kumikirot dahil sa biglang paghila sa kaniya ng asawa.
“I just did what I know is right.” katwiran nito.
“Everything is not right! Kasalanan mo bakit kami naghiwalay! Kasalanan mo kung bakit ako nasali sa eskandalo na yon! Kasalanan mo kung bakit nandito ako!” napalunok si Adrian sa narinig. He admit all of mistakes he did. Pero ang isa sa mga hindi niya pinagsisisihan ay ang lubos niyang minahal ang kababata.
Tahimik niyang iniwan ang asawa sa silid nito. Inilapag niya ang mga damit nito sa sahig. Hindi na niya nagawang tignan pa ito. Kung alam lang ni Violet ay nasasaktan din siya. Pero anong magagawa niya, if he can't hide Violet soon she found by Marika. Paniguradong hindi lang pagkakakulong sa isang silid ang mararanasan nito, something more he couldn't bear to imagine.
*****
Nakasakay si Gino sa unang elevator. Kasabay niya ang ilan empleyado na patungong third floor. Hindi sana siya papasok ngayon dahil hindi na siya nakakatulog ng maayos. Palaging sa opisina na siya namamalagi at doon nagpapahinga. Janna is helping him about Marika pero hindi na siya makapaghintay. He needs to move quickly. Lalo at wala siyang balita kay Violet. At kung ano anong bagay ang napapanaginipan niya dito. Paghinto ng elevator sa ikatlong palapag, siya nalang ang natira na patungo sa nineth floor. Sumandal nalang siya sa salamin haligi nito habang hinihintay na bumukas na muli ang pinto.
“Kristine..” aniya sa sarili at pumikit. Hindi niya maialis sa isipan ang lubos na pag-aalala. Saan siya magsisimulang maghanap?
Pag-awang ng pinto ay lumabas na siya agad. Nagtungo siya diretso sa opisina.
BINABASA MO ANG
My Lover, Intruder ✔️
RomanceMasaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang...