Eighteen

260 16 0
                                    








Nakatambay sa terrace si Gino habang iniinom ang kapeng itinimpla sa kaniya ni Violet bago ito matulog. Nagpaalam sa kaniya ng maaga ang kaibigan dahil maaga ito gigising kinabukasan para tumulong sa pagluluto ng mga pagkain ihahanda para sa death anniversary ng namayapang ama. Maaga din siyang aalis para bumalik sa Maynila.

Sinilip ni Gino ang cellphone. Naghihintay siya ng update kay Marika tungkol sa kikitain kliyente sa Makati bukas ng umaga. Kaya kailangan niyang bumyahe ng madaling araw. Gusto sana niyang umalis ngayon gabi, pero ayaw siyang payagan ni Mabelle. Kaya he chose to just stay and wait for the dawn.

Hindi naman siya dalawin ng antok kaya napili nalang niyang tumambay sa terrace. May katabi siyang electric fan na umaandar para hindi siya kagatin ng lamok. Suot niya ang isang pulang Nike jacket na binaon niya dahil alam niyang matindi ang lamig ngayon sa Cavite.

Madaming gumugulo sa isipan niya. Lahat ay tungkol kay Violet. Naguguluhan siya sa ideya kung may dahilan pa ba siyang ipaglaban ang dating nobya o tanggapin nalang na may asawa na ito. Gusto niya sana sa pagbalik niya sa Maynila bukas ay buo na ang loob niya sa gustong gawin. Pero hindi niya maintindihan ang sarili dahil may humihila at pumipigil sa kaniya. Ito ba ay sarili niya o pagmamahal niya para kay Violet.

“Gino? Bakit nandito ka?” nagulat siya nang lapitan siya ni Mabelle, ang nanay ni Violet. May dala din itong isang tasa ng kape na gawa sa pinakuluan bigas. Lumapit ito at naupo sa tabi niya.

“Hindi makatulog?” tumango si Gino. Nakatingin lang siya sa mga bituin na malinaw na kumikislap sa langit. Maitim na maitim ang ulap pero hindi nagbabadya ng masamang panahon.

“Tita, sorry nga po pala kasi..  iniwan ko si Kristine.” binanggit ng binata.Sandaling tumahimik si Mabelle. At ngumiti siya. “Tinatawag mo pa din siyang Kristine..” lumingon si Gino sa kaniya.

“Si Christopher lang ang tumatawag sa kaniya sa pangalan na yan.. tapos ikaw.” naalala ni Gino na minsan binanggit ni Violet ang tungkol sa ama na tumatawag sa kaniya sa second name niya. Dahil unang beses niyang tinawag ang pangalan sa Kristine at hindi Violet na nakasanayan ng lahat.

“Mahal na mahal po talaga niya ang tatay niya.” aniya ng binata. Ngumiti si Mabelle. “Oo, sobra. Kaya non namatay ang tatay niya, pinasan niya lahat ng pagsisisi. Kahit hindi naman siya ang dahilan ng pagkamatay. Palagi niyang sinisisi ang sarili.” may lungkot at pangamba ang tono ni Mabelle. Dahil alam niya ang matinding pinagdaanan ng anak. Saksi siya kung paano magdalamhati ito sa biglaan pagkamatay ng ama.

“Sorry po Tita. Kaya nga po I want her to forgive me for leaving her.” hinawakan ni Mabelle ang kamay ng binata. “Alam ko, mahal na mahal mo anak ko. At hindi ka din perpekto, nakagawa ka ng mga maling desisyon noon mga bata kayo. At naiintindihan ko iyon.”

May biglang naalala si Gino. “Tita, I just saw something weird about Kristine. May peklat siya sa bandang wrist niya.” nagulat si Mabelle sa binanggit ni Gino. Nagtataka siya dahil hindi ito naikwento ng anak niya. “Walang sinabi sayo si Violet?” umiling siya. Bumuntong hininga si Mabelle. At saka sinapo ang noo niya.

“Naalala mo, non umalis ka. Hinarap niya ng mag-isa ang kahihiyan. Dahil don hindi siya nakatapos ng kolehiyo.” napaawang ang mga labi ni Gino sa nalaman. Akala kasi niya ay nakapagtapos si Violet sa parehong eskwelahan.

“Naexpelled siya. Dahil don sa kumalat na scandal nila ng kaklase niyo.” nabalikwas sa pagkakaupo si Gino at muntikan matabig ang tasa niya. “Sinira ko po ang video camera bago ako umalis. How did it?” bulalas niya.

“Hindi ko alam, basta isang araw kumalat ito sa campus. Pinatawag ako ng Dean at President ng school. Malaking kahihiyan daw ang ginawa ng anak ko kaya kailangan nila itong tanggalin.” malungkot na kwento ni Mabelle. May ilan butil na ng luha ang napupuno sa gilid ng mga mata niya na nagpupumigil bumagsak.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon