Wala ako sa sarili na umuwi nang hapon na iyon. Iba't ibang scenario ang tumatakbo sa utak ko. Kung bakit nawala si Gino noon, at ang kasalanan nagawa ko. Hindi ko na alam paano pa soya haharapin. Napaka kapal na ng mukha ko.
Naiiyak ako habang naglalakad at pasakay ng MRT. Hindi ko na pinapansin kung mabangga ako ng mga nasasalubong ko. Basta tuloy ako sa paglalakad. Nahihiya ako at nadidismaya sa nalaman. Alam din kaya ni Gino ang mga kahihiyan kinaharap ko noon panahon na iyon. Mga panghuhusga at pangungutya.
Dumating ako sa bahay ng alas-siete ng gabi. Matamlay kong ibinaba ang gamit ko at basta humiga sa sofa. Bumuhos na ang mga luha ko.
"Sorry.." sambit ko.
Hindi ko namalayan ang pagtawag ni Adrian sa phone ko.
__
Binuksan ni Gino ang isang Johnie Walker na itinago niya sa ilalim ng mesa. Ayaw kasi niyang mahuli siya ni Marika na patagong umiinom. At dahil alas-nuebe na, wala na din ang mga empleyado.
Nakatingin siya sa nakakaakit na mga ilaw ng mga poste at sasakyan mula sa kahabaan ng Ortigas Avenue. At ilan pang gusali na katabi lamang ng Villamontes.
Naalala niya ang sinabi ni Violet nang magtagpo sila sa elevator kanina. Naiinis siya sa katotohanan, naging mahina siya sa mga panahon kailangan siya ng dating kasintahan. Pero hindi niya masisisi ang sarili. Nasaktan siya dahil sa buong pag aakala niyang tapat sa kaniya ang dalaga. At ang inaakala niyang may babalikan pa siya.
"Bakit ka sumuko agad Kristine.." sambit niya at tuluyan bumagsak ang mga luhang pinipigilan ng takot niya. Kinuha niya ang isang martini glass.
Noon umalis siya, at nasaktan. Akala niya matitiis niyang iwanan si Violet. Pero sa pagmamahal niya dito, bumalik siya para sana maunawaan ng maayos ang lahat. Kaya lang, mas hindi pala niya kakayanin ang mga nalaman. Dahil salo na ng ibang bisig ang babaeng pinakamamahal niya.
__
Pagmulat ko, tumatama na ang sikat ng araw sa mga mata ko. Nakatulog ako sa sofa at hindi na nakapagpalit pa ng damit. Namamaga ang mga mata ko, at nakatulog ako sa kakaiyak. Nakita ko ang phone ko sa sahig. May tatlong missed calls at isang message mula kay Adrian.
You're not answering my calls. Tumawag ka kapag gising mo or before you go to work.
Dinial ko ang numero ni Adrian. Nagriring pero sinagot niya agad.
"Hello? Mahal." sabi ko. "Violet, ikaw ba yan? Kagabi pa ko tumatawag."
"Sorry, Mahal. Pagod ako galing trabaho tapos pag-uwi ko nakatulog na ako." paliwanag ko. "Kumakain ka ba sa tamang oras?" tanong niya. Hindi ako makasagot. Hindi ako kumain last night.
"Ah.. Oo naman.." mabilis pero alanganin kong sagot.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Mahal, please update me whatever your doing. Okay. Mag-iingat ka lagi at kumain on time. I love you." sabi pa ng asawa ko. "I-I love you too." sagot ko na tila patanong ang tono. At saka ko pinatay ang phone ko.
Inayos ko ang pagkakahiga ko."Paano ko pa siya haharapin ngayon.." tanong ko sa sarili at muling pumikit. Habang tumatagal kasi, nahihirapan na akong harapin pa siyang muli. Kinuha ko ulit ang phone ko at hinanap ang number ni Mam Janna. Hindi na muna ako papasok dahil mabigat talaga ang katawan ko.
Tamang tama din kasi ang timing ng katamaran ko. Ngayon din na ayaw ko muna harapin si Gino.
Nagpaalam ako kay Mam Janna, na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko. Ang pinaka sikat na alibay ng mga empleyadong tamad pumasok.
BINABASA MO ANG
My Lover, Intruder ✔️
RomanceMasaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang...