Thirty Four - End

1.1K 25 5
                                    



"Court dismissed." sabi ng tumatayong Judge noon araw na iyon. Tumayo si Adrian at kinuha ang papel na opisyal na pinirmahan ng Judge. Habang ang abogado niya na si Mrs. Corpus ay muling nirebisa ang nakapaloob sa dokumentong inaprubahan ng korte.

"Its already set, Adrian." sabi ng babaeng abogado sa kaniya at muling inabot ang isang envelope. Tumango lang ito. Ramdam pa din ni Adrian ang pananakit ng katawan. Ang bandage sa binti niya at ilan gasgas at sugat na natamo niya ay tila sariwa pa. Parang kahapon lang ay hawak pa niya sa mga bisig si Violet. Pero ngayon ay malabo na ito ulit mangyari. Malungkot siya habang papalabas ng silid. Susunod niyang puntahan at lakarin ang nakascheduled niyang counselling sa nirefer na Psychiatrist ni Gino.

May isang linggo pa bago tuluyan aprubahan ng korte ang hinihingi niyang abiso tungkol sa kasal nila ni Violet. Ganundin ang mga ari-arian o conjugal property na paghahatian nila. Gusto sana niyang makita ang asawa bago pa man ianunsiyo na ganap na silang hiwalay. Pero natatakot siya. Natatakot siyang kamuhian ni Violet.

Kasabay niyang sumakay sa kotse ang abogado. Nagpahatid sila sa Castro Clinic and Counselling Office sa Parañaque.

****

Nagtatakbo si Janna pabalik sa cubicle niya nang tawagin siyang muli ni Gino. Halos magkanda hulog sa bisig niya ang mga dala dalang folder na minamadaling ipakuha sa kaniya ng Boss niya. Nakita siya ni Leo na halos kalalabas palang ng pantry. Tinulungan agad niya ang kasamahan bago ito muling makahulog ng gamit sa daan.

"Napakabusy ni Sir Gino ah." aniya Leo at niyakap ang dalawang folder na dala ni Janna.

"Oo, sabay sabay kasi ang projects tapos may hiring pa ngayon. Naghahanap ata siya ng kapalit ni Mam Marika." bulong ni Janna. Nagulat si Leo.

"Really, so what happened to Mam Marika?" napaisip si Janna. From what she remembered, inutusan siya ni Gino na ireport si Marika sa mga pulis. Dinakip ito noon gabi na sumugod si Gino kina Adrian at pagkatapos non ay wala na silang naging balita kahit kay Violet. Ni hindi nila kung ano ang nangyari dito.

"Nasaan na kaya si Violet?" tanong naman ni Leo. Umiling si Janna, kahit siya ay walang ideya.

JANNA! LEO!

Nagulat ang dalawa nang marinig ang boses ni Gino mula sa hallway. Napabalikwas ang dalawa sa kinatatayuan at saka naglakad patungo sa mga cubicle nila. Hindi sila pwede magkwentuhan muna dahil madaming gawain iniwan si Marika kay Gino na ngayon ay problemado sa takbo ng kompaniya.

"Sige sige. Babalik muna ako doon!" sigaw ni Janna sa kasamahan at nagtatakbo sa may hallway. Nakita sila ni Jed na tahimik na nakaharap sa computer. Itinulak niya ang de gulong na upuan papunta sa pwesto ni Leo.

"Busy yata sina Kuya Gino ngayon?." tumango lang si Leo sa sinabi ni Jed.

"Oo, alot will change here after Mam Marika left." nakatingin lang ang dalawang lalake sa opisina na halos abot tanaw nila mula sa pwesto nila. Gino is working nonstop. Gusto man nilang makibalita about what happened a week before ay hindi nila magawa. Nag-aalala din sila kay Violet sa bigla nitong pagkawala.

"Let's get back to work." yaya ni Leo sa binatilyo.

***

Nakaharap lang si Gino sa laptop niya habang inaayos ang schedule niya sa buong linggo. First, there's a meeting with Imperial and then Alejo's. Kailangan pa niyang pasyalin muli ang expansion nila sa Laguna. And then look for Marika's substitute. Its more hectic than he expected.

Isinandal niya ang batok sa upuan at saka humugot ng malalim na paghinga. Naaalala pa niya ang pagmamakaawa ni Adrian when Violet got in danger. Mahal na mahal talaga niya ito. Hindi lang tama ang paraan ginawa niya to pursue its love. Sa halip ay nagpaapekto siya sa mga masasamang balak ng kinakapatid niya.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon