Nakita kong humahangos at mainit ang ulo ni Gino papasok sa opisina niya. Narinig ko lang ang malakas na pagbagsak ng pinto. Halos lahat kami ay nagulat, nagtataka sa ikinikilos niya. Lumapit ako sa mesa ni Mam Janna para magtanong.
“Highblood ata si Gino?” bulong ko. Bumuntong hininga si Mam Janna. “Narinig ko kanina kay Marika na may kikitain dating kaibigan itong si Gino. Pero mukhang dating kaaway..” nagulat ako. Kilala ko siya, oo may galit o inis siya sa isang tao pero hindi niya yon pinapahalata. Nilapag ni Mam Janna ang folder sa harapan ko. “O siya, dalhin mo na yan sa kaniya. Papirmahan mo para madala ko na sa Marketing Department.” nanlaki ang mata ko at umawang ang labi ko. “Bakit ako? Highblood pa siya.”
“Hindi na yon highblood pag nakita ka niya.” nakangiting saad ni Mam Janna at pinilit akong tumayo sa upuan ko. Pinagtulukan niya ako hanggang sa harapan ng opisina ni Gino. “Sige na, para malaman mo na din bakit siya nagkakaganyan.” aniya at iniwan na ako mag-isa. Alam ko naman okay kami ni Gino, pero nababahala pa din ako na tanungin siya. Huminga ako ng malalim at sandaling inayos ang buhok ko. Tumingin pa ako sa salamin pader ng kwarto at chineck kung pantay ang foundation ng mukha ko.
“Um.. Sir Gino?” mahinang tawag ko sa kaniya pagsilip ko sa nakaawang na pinto. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko siyang nakaupo sa umiikot na swivel chair niya. Nakatalikod ito at tila nagpapahinga siya. I don't want to disturb him. Its his way of regaining himself from devastation. Hinila ko ang doorknob para sana isara na ang pinto. But he turned and saw me.
“Anong ginagawa mo diyan?” nagulat ako at tila napahiya sa itsura ko. Nagmumukha kasi akong naninilip at nakikinig ng chismis. Tumawa akong pilit at kunwari ay natawa ako sa joke niya.
“Ano.. Ah.. Mam Janna needs your approval about this.” at ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong folder. Pinalapit niya ako sa mesa niya at naglabas siya ng ballpen. His face was blank. Hindi ko mabasa ang emosyon niya. Pagtapos niyang basahin ang ilan papel sa harapan ko, mabilis niyang pinirmahan ito.
Gusto ko siyang tanungin pero anong karapatan ko manghimasok sa buhay niya. Dati rati ako ang unang nakakaalam ng mga problema niya. Pero ngayon, saan ako dapat lumugar?
Binuksan ko ang pinto. “Um.. Gino.. Baka gusto mo sumabay sa amin kumain mamaya?” nilingon niya ako pagkarinig ng sinabi ko.
“Ha?” halatang nabigla siya.
“Mamayang lunch.” nahihiya ako habang nakatingin siya sa akin. Ang awkward. “Basta, hintayin kana min mamaya. Mukhang di ka nagbreakfast.” tinapos ko na ang sinabi at nag atubili akong malakabas ng kwarto. Parang may bato sa lalamunan ko na pumipigil sa hininga ko. I just made myself embarrassed. Para akong nahihiyang bata na hindi makatingin ng diretso sa crush niya.
Bumalik na ako sa cubicle namin at nagpresinta na akong magdala ng folder sa Marketing Department.
*****
Eksaktong alas-dose bumaba kami sa cafeteria nina Lola Adel. Nakasunod sa amin si Gino na walang imik at nakatingin lang sa iisang direksyon. Hindi ko maiwasan mag-isip kung ano ang tumatakbo sa utak niya. The more he keep it to himself, the more he suffers. Kaya nga ayoko siyang nagkakaganito. He's pressuring himself at pinaparusahan niya ang sarili. Alam ko yon dahil ganitong ganito siya noon mamatay ang ama niya. Hindi niya kami kinakausap, hindi siya nag-oopen up.
“Gino?” I called him at lumingon siya sa akin. Tamang tama ay bumukas ang pinto ng elevator at nauna sa paglabas sina Mam Janna. Parang nagising siya habang tulala.
“Bakit?” nagulat pa siya ng tawagin ko. “Is something bothers you?” sa wakas ay naglabas din ako ng tatanungin. Kanina pa ako nagpapractice sa utak ko on how will I approach him.
BINABASA MO ANG
My Lover, Intruder ✔️
RomansMasaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang...