Two

496 20 0
                                    






I felt Adrian's arms. Sandali kong iminulat ang mga mata ko and saw him lying beside me. Hindi ko namalayan na nakatulog ako pagdating ko.

“Hindi ka muna magbihis?” tanong ko sa kaniya but he insist at sumiksik sa akin. Naramdaman ko ang malambot niyang buhok na humahaplos sa balikat ko.

“I bought you something.” narinig kong wika niya habang nakapikit ang mga mata. Bumangon ako sandali sa pagkakahiga and I saw a paperbag sa ibabaw ng sidetable. Forever21 ang tatak ng bag. So he bought me a dress?

“Its a dress for you to wear on Saturday. Rejie and Sandra are excited to see you. We had a coffee kanina.” sabi pa niya. Rejie and Sandra were college friends.  Sila ang kasabay namin magtutungo sa Sabado.

“Hindi ba isasama ni Rejie yon asawa niya?” umiling si Adrian. “He's taking Sandra.” napasampal ako sa noo ko sa narinig. “What? Are they together? Pero may asawa sila pareho.”

“I know. I told Rejie too. Alam mo naman yon matigas ulo.” bumuntong hininga ako. Kung iilan sa mga kaklase namin ang matagumpay ngayon, may iilan din ang pasaway pa din hanggang ngayon. Like Rejie, nakapangasawa siya ng anak ng family friend nila. Pero hindi niya gusto ang babae, and he likes Sandra noon pa man. Kaya palihim silang nagsasama and also betraying their own partners.

“Mahal, pagsabihan mo si Rejie. Kapag nalaman ni Anjo ito mapapatay niya yon.” nag-aalala kong sinabi. I know Anjo, makakapatay siya kapag nalaman niyang nagtataksil si Sandra sa kaniya.

“Mahal, kung pupwede lang ginawa ko na. Ilan ulit ko na yan pinagsasabihan. Ayaw makinig. Saka it doesn't matter kung mabuko sila o hindi. Its their choices.”

Napapaisip tuloy ako kung sa akin nangyayari iyon. Kapag nagtaksil si Adrian. Hindi ko alam ang gagawin ko. I can't afford another betrayal again. Gino betrays me. Ayokong gawin ni Adrian iyon sa akin.

Bumalik ako sa pagkakahiga at niyakap ang asawa ko. Mahimbing na siyang natutulog.

"I love you.” sabi ko bago ako tuluyan nakatulog.




Matapos ang tatlong araw na pagduldol ko sa inventory report ay natapos ko siya ng Biyernes ng umaga. Naipasa ko siya kay Sir Jeron bago ito pumasok para maiwasan akong mabungangaan. Nakahinga na ako ng maluwag. Napasandal ako sa upuan ko habang nilapag naman ni Jed ang isang tasa ng kape. Mainit init pa ito.

“Anong balita sa client natin, yon mag oopen account daw ng insurance don sa bagong tayong company ng condo units?” naisipan kong itanong. Iyon kasi ang pinakamalaking kliyente namin ngayon taon. Bukod sa malaking investment ang gagamitin niya sa insurance sa mga condo units niya, nalaman pa namin sa background ng may-ari na isang businessman pala ito sa States. Kaya hindi namin siya pupwedeng pakawalan.

“Ang rinig ko kina Mam Aida, makikipagmeeting daw sina Sir Jeron don sa CEO ng company na yon, ngayon.” nagulat ako.

“Really? Nandito na siya sa Pinas?” tumango si Jed. Lumapit siya sa akin. “Oo, bali balita nga eh. Mukhang magiging matunog ang pangalan non dito. Ang dami daw bubuksan bagong establishments under the supervision of the mysterious businessman.” kwento pa niya.

“Nako. Baka like the Imperials yan. Diba?” tumango agad si Jed. “Siguro. Pero sabi ni Mam Aida, lawyer daw ang client natin na yon.” nagulat ako sa sinabi ni Jed. So he's a lawyer.

Nawala ako sa pag iisip nang magpop up sa desktop ko ang isang message mula sa groupchat namin nina Ryan.

He sends the party sequence for tomorrow. May ilan guest speaker din kami like Mr. Rodolfo Castro which was the former Dean of College of Business and Administration, nandoon din si Mrs. Fernandez Alumbres na dating Dean ng College of Law.

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon