Sixteen

275 15 1
                                    










Niyaya ako nina Mam Janna at Sir Leo na lumabas matapos ang workhours namin. At dahil ngayon ko lang sila makakasama at makakabonding. Pumayag ako. Kasama din namin sina Gino at Jed kaya alam kong hindi ako dapat mag-alala.

Sabay sabay kaming pumasok ng SM Megamall. Isa nalang na sasakyan ang ginamit dahil sa SM na magpapasundo si Mam Janna.

"Anong bibilhin mo Violet?" tanong niya at kumapit siya sa braso ko. Kami lang kasing dalawa ang babae sa grupo. Abala kasi sa pagkukwentuhan ang tatlong lalake.

"Um.." napaisip ako sandali. "Ano.. baka gamit sa bahay or bagong shoes." sagot ko nalang. Bahagya ako napalingon kina Jed dahil nakita kong tumatawa si Gino. Gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Masaya ka talaga kapag nakikita siya masaya no?" namilog ang mata ko sa sinabi ni Mam Janna. Siniko siko pa niya ako habang bumubungisngis siya sa gilid ko. Namula naman ako dahil nahihiya ako na mahuli akong nakatingin sa Boss namin.

"Hindi Mam Janna. Um.. Ano kasi.." pagkakaila ko at hindi man lang ako makapag-isip ng tamang irarason. Naunahan na ako ng hiya. Hinawakan niya ako sa kamay ko at hinila ako sa unang boutique na nakita namin.

Sinamahan ko si Mam Janna na mamili ng mga bagong shades ng lipsticks at eye shadows. Nag ikot ikot na din ako sa iba pang beauty products na makita ko. Hindi pa naman ako bumibili ng bagong shade. Napansin ko ang kulay rose pink na shade ng isang lipstick. Feeling ko bagay sa kulay ko iyon, plus wala pa akong ganoon shade. Wala naman lumalapit sa akin sales lady dahil lahat ay kausap ni Mam Janna. Dahan dahan kong kinuha ang isang lipstick na may nakadikit na "Try Me". Bawas na ito dahil sa paulit-ulit na paggamit ng mga sumusubok nito. Kinuha ko ang isang bilog na salamin at doon ay ipinahid ko sa labi ko ang lipstick. Nakikita ko sa kabilang bahagi ng salamin sina Sir Leo na nagtatawanan habang tinitignan ang mga iba't ibang uri ng brushes na ginagamit sa make up. Hindi ko tuloy maiwasan tumawa sa ginagawa nila. Lalo ng sinubukan ni Jed ang isang sample eyeshadow sa kaliwa niyang mata. Mukha siyang may black eye.

"Rose pink is good. Bagay sayo." nagulat nalang ako nang mapansin kong nasa tabi ko na si Gino. Nakasilip siya sa salamin habang nakatapat ito sa pinkish kong labi. Kinuha niya sa kamay ko ang sample product at tinignan ang kulay na parang expert siya dito.

"Maraming ganito si Ate Marika kaya pamilyar ako." sabi pa niya at lumapit sa lalagyan ng iba't ibang lippies. Pagkaraan, kumuha siya ng ibang kulay at inabot sa akin. "I think bagay din sayo to. Nude colors." I chuckled when I heard him saying nudes.

"Why! Why are you chuckling?" he asked in puzzled look. Natutuwa pa din ako sa ganito niyang pag-uugali. Hindi kasi siya nahihiya sa mga ganitong bagay. Sasabihin niya kung ano ang bagay at hindi sayo. Even he talks about women. This is his feminine side. Ito na din siguro ang madalas magustuhan sa kaniya ng mga babae.

"Wala lang. You know the color of nude lipstick e." sabi ko habang pinipigilan ang tawa sa lalamunan ko. Tinignan niya ang hawak sa kanan kamay. At tumingin sa akin. "It does really look good on you. Lagi kasi akong chaperone ni Ate Marika kapag namimili e." dahilan naman niya. Hindi ko din siya masisi. I know Ate Marika, kapag namimili iyon hindi pwedeng walang judge na magsasabi sa kaniya kung bagay ba sa kaniya ito o hindi. Or else matatagalan sila sa pamimili.

"Subukan mo." aniya at inabot sa akin ang panyo niya. Mukhang inuutusan niya akong burahin ang nasa labi ko at ipahid ang shade na gusto niya.

Lumapit ang isang sales lady sa amin. "Tama po ang asawa niyo, bagay po sa inyo ang nude colors." ngiti niyang hayag sa amin. Nagkatinginan kami ni Gino at sabay umiling. "Hindi kami mag-asawa." bawi niya agad bago pa ako magsalita. Nadismaya ang mukha ng babae. At taimtim kaming tinitigan. Mukha ba kaming mag-asawa?

My Lover, Intruder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon